"Hanggang dito na lang, sabi ko sa aking sarili.
Narating na natin ang dulo, narating na natin ang huli."Siguro ganun talaga, kapag nagmahal ka at patuloy na nagmamahal pagkatapos ay iniwan ka ng taong minamahal mo.
Lahat ng naririnig mong kanta, naiiyak ka dahil pakiramdam mo kinakanta para sayo.
Lahat ng bagay, meron kang maaalala tungkol sa kanya.
"Girls, alam nyo hot sya.." Sabi ni Pamu na parang kinikilig habang tinuturo ang lalaking nagtatanghal sa stage.
Bukod kasi sa kantahan, isa din sa dinadayo sa resto nila ay ang mga nagtatanghal ng spoken word poetry bilang si Daniel ay mahilig din sa poetry.
Kasama ngayon ni Kathryn sina Pamu, Marlan, Arisse at Trina. Kanina pa niya iniiyakan ang bawat kanta habang painom inom ng alak.
Ang payo nga kasi ng mga kaibigan nya ay, 'ENJOY THE PAIN.'
"True! At ang tangkad.." Sabi din ni Marlann. "You know what parang bagay kayo???" At nilingon nya si Kathryn na nakasimangot habang nakatingin sa stage.
"Oo nga no? Gwapo naman sya, matangkad.. parang si... oops!" Napatahimik si Arisse ng inirapan sya ni Kathryn.
"Hindi na aasang may karugtong pa ang kwento natin matapos magkalayo
Tanggap ko nang pinaglaruan tayo ng tadhanang minsan tayo'y pinagtagpo.."Pakiramdam ni Kathryn tinamaan sya ng tulang iyon. "No, hindi ko tanggap."
Napailing na lamang ang mga kaibigan habang sinasagot sagot ng pabulong ni Kathryn ang nagsasalita sa entablado.
"Masakit. Oo, sobrang sakit. Walang kasing sakit..
Para akong huminga matapos masaksak ng paulit ulit..
Para akong hinahabol ng lahat ng aking iniiwasan..
Parang patuloy na tumatakbo matapos madapa at masugatan..""Totoo yan!" Sabi na naman nito pero wala namang emosyon sa kanyang mukha at tanging namumugtong mata ang nagpapahiwatig na nasasaktan sya ng sobra.
"Pakiramdam ko ay mag-isa akong naglalakad habang kumakapa sa dilim.
Parang galit sa akin ang langit at ang mga ulap ay sa akin lang makulimlim..
Mahirap huminga. Mahirap gumising. Mahirap mabuhay..
Parang lahat ay mahirap kahit na ang mga pinakasimpleng bagay..
Madalas napapatanong sa sarili, naibigay ko ba ang lahat.
Ngayong nanghihinayang na lamang sa mga alaalang hindi magiging sapat.."

BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617