Daniel's POV
Sa mahigit sampung taon ng buhay ko, si Kathryn ang lagi kong iniisip. Lagi kong iniisip kung anong ginagawa niya habang hindi kami magkasama, kung nahihirapan ba siya sa trabaho, kung nakakain ba siya sa tamang oras, kung nakakauwi ba siya ng ligtas, kung napaparamdam ko ba sa kanya na pinahahalagahan ko ang pag-aalaga niya, na lagi akong nakikinig sa mga kwento niya, na nakikita ko lahat ng pagsisikap niya, na mahalaga sa akin ang nararamdaman niya at higit sa lahat, iniisip ko kung napaparamdam ko pa rin ba sa kanya na mahal ko siya.
Oo, tama. Sa mahigit isang dekada, laging siya ang iniisip ko but at some point, nakalimutan ko siya. Nakalimutan ko ang mga ngiting dulot ng biglaan kong pagbisita sa kanya, nakalimutan kong dalhin siya kung saan mapapanood ang paglubog ng araw at ang pagtama ng sikat nito sa dagat at kung paano siya napapasaya ng pagkuha ng litrato nito, nakalimutan kong paborito niya ang pulang rosas, nakalimutan kong nakakatulog siya ng mas mahimbing sa tabi ko, na gumagaan ang kanyang loob kapag nakakauwi ako ng maaga, nakalimutan ko kung paano siya dapat kinakamusta, kung anong magandang nangyari sa araw niya, nakalimutan kong tabihan siya habang magkahawak ang aming mga kamay at magkakawing ang aming mga daliri, nakalimutan kong gusto niya kapag nag-uusap kami sa telepono bago matulog tuwing hindi kami magkasama, nakalimutan kong gusto niyang isinasandal ang ulo niya sa balikat ko habang nanonood ng paborito naming pelikula, na kailangan niya ng medyas sa tuwing nilalamig siya, na pampagising niya ang kape sa umaga, nakalimutan kong tanungin kung kumain ba siya sa tamang oras at kung nakauwi ba siya ng ligtas. Nakalimutan kong iparamdam sa kanya na sa kabila ng lahat ng mga luma o bago at ng mga paulit-ulit sa mundo, siya pa din ang pipiliin ko.
Oo, nakalimutan ko siya hanggang sa ang mga masasayang alaala ng paglubog ng araw at ang pagtama ng mga sikat nito sa dagat ay napalitan na ng pagbitaw ng masasakit na salitang nakakabingi kahit na hindi pasigaw, ng mga mapapait na tinging nanunumbat na tila mga espadang kahit anong iwas mo ay pilit kang pupunuin ng mga sugat, ng malungkot na pagluha na walang inaasahang magpapatahan, ng panlalamig na hindi ninanais na mahagkan at ng walang katapusang paghabol at pagtakas, ng pilit na paglingon at sadyang pag-iwas.
Sana nga hindi pa huli ang lahat para bumawi sa mga pagkukulang ko.
"Nandito na tayo." Sabi ko at binuksan ang bintana ng kotse. Hindi pa ako nakakapagpark pero napahinto ako dahil napansin kong nakapako ang tingin niya sa harap ng restobar.
"Marami pa ring tao 'no?" I don't know why she said that. Pero parang may kasamang bigat ang pagbitiw niya ng mga salitang iyon.
"Some of those people, parang kilala ko na by face. Maybe this has become their favorite na." Hindi ako nagsalita. Nakikinig lang ako sa kanyang na parang nagtatravel back in time, una, dahil ang sarap pakinggan ng boses ni Kathryn at pangalawa, minsan na lang kami nakakapagkwentuhan na parang kagaya ng dati.
"And some of them made so much memories here. Birthdays, gender reveal parties, first dates, graduations, engagement parties, despidida.. this place has witnessed so many milestones and special moments.. even the most heartbreaking ones." Mahina lamang ang boses niya, sapat upang marinig ko. Baka nga siguro mas malakas pa yung lungkot na nararamdaman ko.
Pumasok na kami matapos kong magpark. Nagapahanda ako ng dinner doon sa favorite spot namin ni Kathryn. Sa labas, sa pinakadulong table, hindi masyadong kita pero dinig pa din ang music mula sa loob.
"Magandang gabi, Ma'am, Sir.." Seryosong pagbati ni Gracia.
"Grabe, ang seserious naman ng mga nagwowork dito." Biro ni Kathryn.
Napatawa si Gracia. "Ehh, Ma'am.. namiss po namin kayo. Kamusta na po kayo? Okay na po kayo?" Tila gumaan ang pakiramdam nito at ngumiti.
"Okay na ako, Gracia. Salamat sa inyo pati na rin sa mga food na pinapadala niyo. Grabe, sobrang sarap."

BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617