Sa buhay, hindi laging madali at masaya. May mga pagkakataon na ang mga magagandang dumarating ay kadalasang pansamantala. Minsan, makakatagpo tayo ng mga taong magbibigay ng panibagong kulay sa ating mundo ngunit bihira lang ang mananatili sa tabi mo kahit ikaw mismo ang humila sa kanila patungo sa madilim mong daigdig.
Makakahanap at makakahanap ka ng mahahalina at mapapapitas sa iyong mga rosas ngunit bihira lamang ang taong didiligan at yayakapin ang iyong mga tinik. Makakahanap ka ng taong bubuo ng iyong araw at gabi ngunit bihira lamang ang taong handa kang yakapin hanggang sa mabuo ang iyong magkakahiwalay na mga piraso.
Kaya kapag nahanap mo ang taong iyon, kadalasan, kahit saan ka dalhin ng tadhana, babalik at babalik ka sa kanya.
"Room 25." Bulong nya habang naglalakad at naghahanap.
Matagal-tagal ng nadala sa hospital si Daniel bago sya dumating kaya nailipat na ito ng kwarto mula sa emergency room. Agad naman nyang nakasalubong ang mga kaibigan na palabas na ng kwarto.
"Kath, aalis na kami para makapagpahinga na rin sila." Unang sinabi sa kanya ni Patrick. "Nasa loob si Tita."
Hindi sya nakapagsalita. Tinapik sya ni Arisse sa balikat. "Stable na ang condition nya pero kailangan pang mag-undergo ng CT scan at iba pang laboratory tests."
"Sige Kath, mauuna na kami ha? Saka na lang tayo mag-usap usap." Paalam ni Marco. "Hindi pa sya nagigising pero sigurado akong ikaw agad ang hahanapin nun."
"Uhm, sige. Mag-ingat kayo."
Hindi nya mapigilang sisihin ang sarili. Nagsisisi sya na hindi nya sinamahan ito at pinaalis lang matapos syang hintayin ng ilang oras.
Kumatok muna sya bago pumasok.
"Oh, Kathryn.." Bungad sa kanya ng Nanay ni Daniel na inaayos ang kumot nito. "Maayos na naman ang condition nya. Buti na lang at nadala agad dito para magamot ang mga sugat nya."
"Tita, ano po ba talaga ang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Kathryn.
"Nagkabanggaan sila ng isang delivery truck. Buti na lang at hindi masyadong mabilis ang pagtakbo nya at may suot syang helmet. Pupuntahan ko pa nga sa prisinto bukas ng umaga."
Nilapitan ni Kathryn si Daniel na natutulog sa kama. Marami syang mga sugat at galos at may bandage naman sa kanyang kaliwang paa at kamay.
"Kamusta naman daw po sya?"
"Minor injuries lang naman 'yan pero ipapa-CT-scan pa daw para makasigurado."
"Mabuti naman at hindi masyadong malala, Tita." Sabi ni Kathryn at inabot ang kamay nitong nakaswero.
"Oo nga eh."
"Alam na po ba 'to nina Magui?"
"Oo, nandito sila kanina pero pinauwi ko na muna. 'Yung Papa naman nya sinabihan ko na pero bukas pa daw makakabisita dito."
"Ah, sige po." Umupo si Kathryn sa tabi nya.
Ilang minuto ang nakalipas ng pareho lang silang tahimik.
"Tita, nasabi nyo kanina na bukas pa kayo pupunta sa prisinto.."
"Oo, 'yun na nga eh. Pupunta ako sa police station tapos aasikasuhin pa ko 'yung pagrelease ng motor nya. Ang mga kapatid naman nya may mga pasok din, hindi naman nila kayang alagaan ang Kuya nila dito. Siguro kukuha na lang ako ng private nurse."
"Ah.. Wala naman po akong gagawin bukas baka gusto nyong ako na po ang mag-alaga sa kanya habang wala kayo."
"Sigurado ka ba, Kath? Alam ko naman na.."
BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617