KATHRYN
Nilingon ko ang nagmamasid sa akin at nagulat sa aking nakita. Nakaramdam ako ng matinding kaba at takot.
Kinakabahan sa mga masasakit na katotohanang kailangan kong marinig at natatakot dahil alam kong kahit kailan hindi ko ito matatanggap.
"Bakit nandito ka pa?" Tanong nya.
Para akong istatwa na hindi makagalaw. Bakit ang sakit sakit na makita syang nakatayo lamang sa harap ko? Bakit parang hindi ako handa na kanina ay gustong gusto ko syang makita?
"Hinintay kita.." Sagot ko na may halong pagsumbat. "Kanina pa."
"Sorry, nag overtime ako eh."
"Okay.." Yun na lamang ang nasabi ko. "Ikaw? Bakit ka nandito?"
Sabihin mong nandito ka para sa akin. Sabihin mong ako ang dahilan kung bakit ka pumunta dito.
"Ah, napadaan lang ako tapos nakita ko na naka-on lahat ng ilaw dito sa labas kaya ichecheck ko sana.. Nandito ka pa pala.."
At dun na ako napamura sa isip ko. Gago. Putangina. Alam mo namang hinintay kita diba?
Hindi na ako sumagot.
"Ahm, sige ako na nagsasabi kay Alfonso na patayin na ang mga ilaw." Sabi nya at tumalikod.
Aalis na dapat sya ng niyakap ko sya mula sa likod.
Walang nagsasalita. Tanging mga hikbi ko lamang ang naririnig naming dalawa.
Hayaan mo muna akong maging mahina.
Akmang kukunin na nya ang mga kamay ko ng hinigpitan ko ang pagkayakap. Hinayaan na lang nya akong gawin iyon.
"Ayoko.." Bulong ko habang patuloy sa pagyakap.
Ayokong mag-isa.
Ayokong bumitaw.
Ayokong mawala sya.
"Kailangan natin to.." Sagot din nya.
Umiling ako kahit hindi nya nakikita.
"One day, you'll thank me for letting you go.."
"Hindi.. Hindi." Sabi ko habang umiiyak at umiiling.
Hinawakan nya ang mga kamay ko at humarap sa akin.
"Kathryn, I'm sorry? I'm sorry, okay? Patawarin mo ko sa lahat lahat. Patawarin mo ko kung matatapos to nang hindi ko pa nasusuklian lahat ng isinakripisyo mo para sa akin.. Pero kakayanin mo to, alam kong kaya mo."
"Masisisi mo ba ko? Ten years, DJ! Ten years!!! I gave you ten years of my life!" I cried.
Napayuko sya. "Sorry."
"Bakit ba bigla bigla ka na lang mang-iiwan? Wala na lang ba sayo lahat?"
"Hindi naman sa ganun. Alam ko lang na makakabuti to satin.. Someday, you'll understand.."
"Na ano?! Ipaliwanag mo sakin kung paano mo nakakaayang itapon na lang ang sampung taon natin na parang walang nangyari?!! Hindi na ba natin maayos to?"
"Kaya nga maghihilaway tayo kasi ito lang yung paraan para maayos to, Kathryn."
Pinunasan ko ang mga luha ko kahit wala na akong tigil sa pag-iyak. "Dahil kay Luisa? Bakit? Mabibigay ba nya sayo lahat ng kaya kong ibigay para mas pipiliin mo sya kesa sakin? Mas matindi pa ba yung pinagsamahan nyo kesa sa atin?"
"Wala syang kinalaman dito."
"Eh ano????" Sigaw ko. "Alam mo.. Isa na siguro to sa mga pinakanakakagagong pakiramdam na naramdaman ko sa buong buhay ko. Yung maraming tanong sa isip ko at alam kong nandyan lang ang sagot pero bakit kailangan mong ipagdamot sa akin?"
BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617