Chapter 15

4K 151 38
                                    

"Ate Kath.." Magui whispered and tapped Kathryn's back. Pagkatapos ng misa de gallo ay dumirecho sila sa park para maglakad lakad. Matagal tagal na rin nung huling nagkasama si Kathryn at si Magui, kapatid ni Daniel.

Habang naglalakad sila ay nadaanan nila ang wishing fountain kaya naisipan nilang maghulog ng coins at humiling ngunit tila wish ng buong mundo ang hiningi ni Kathryn sa tagal nitong matapos.

"Ate, bakit ang tagal? What's your wish ba?" Tanong ni Magui ng dumilat na si Kathryn.

"Marami akong wish eh.." Sabi nya.

"Like?"

"Hmm.." She smiled. "Uyy, may cotton candy!"

Lumapit sila sa nagtitinda ng cotton candy para bumili. Pagkatapos ay patuloy lamang sila sa paglakad lakad habang nagkekwentuhan.

"Naaalala ko, the last time na nandito tayo kasama natin yung Kuya mo. Nagbabike tayo nun tapos binili nya tayo ng cotton candy.. tapos ang saya saya natin." Masayang kwento ni Kathryn.

"Oo nga no? Tagal na rin no? I miss our bonding na. Kuya said super busy ka daw kaya di ka na nakakavisit sa house."

"Yeah." Kathryn nodded. "Tapos busy din sya." Sa bago nyang girlfriend. She thought.

"Aww.. Si birthday ni Lela ate, pupunta ka naman diba?"

"Ay oo nga pala." Bigla nyang naalala. Tuwing birthday ni Lela, youngest sister ni Daniel, tumutulong si Kathryn sa preparations. Madalas din kasama si Kathryn sa mga bakasyon ng pamilya ni Daniel. "I'm sorry, Mags. Baka hindi ako makakapunta sa party nya pero.."

"Okay naman kayo ni Kuya diba?" Bigla na lamang natanong ni Magui.

"Halika." Niyaya sya ni Kathryn na umupo.

"Ate.. Nag-aaway ba kayo ni Kuya? Bakit parang I have this feeling na ang layo nyo na sa isa't isa. Even us, parang ang layo layo mo na rin samin." Malungkot na sabi nya.

"Magui, may sasabihin ako ha? Pero promise me na walang magbabago sa ating dalawa.. sa inyong lahat. I will always be here. Nandito lang ako whenever you need your Ate Kath." Naluluhang sabi ni Kathryn.

Mahirap pero unti unti na nyang bibitawan ang lahat ng mag-uugnay sa kanila at sa kanilang mga nakaraan.

"Ano bang problema?" Kinakabahang tanong ni Magui.

"Me.. and.. and your Kuya.. Na.. Nakipaghiwalay na sya sa akin. Wala na, Mags. Wala na kami." Hirap na hirap si Kathryn na sabihin iyon.

For ten years, naging parte na rin sya ng kanilang pamilya.

"Weh?" Hindi makapaniwalang tanong ni Magui. "Lagi naman kayong nagbebreak eh tapos magkakabalikan din the next day."

"Sana nga ganun lang. Sana ganun lang kadali iyon." Tuluyan ng napaiyak si Kathryn. "Pero it's been almost a month.. or more? Hindi ko na alam."

Magui started crying. "Ate.." Niyakap nya ito. "Ate naman eh." Hindi sya makapaniwala.

Everyone thinks kasal na lang ang kulang sa kanilang dalawa. They were almost perfect.

"Okay lang. It doesn't mean naman na hindi na tayo magkikita. We will always be sisters, right?"

Tumango si Magui at kumalas sa yakap. "Ate, tell me.. Anong ginawa sayo ni Kuya? Niloko ka ba nya ulit?"

"Hindi. Niloko ko 'yong sarili ko.. noong ramdam kong tapos na pero pinapaniwala ko pa rin yong sarili ko na baka pwede pa."

"Pero paano? Hindi ko maintindihan."

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon