Chapter 47

2.4K 76 15
                                        

Hindi naging madali ang sumunod na umaga para kay Kathryn. "'Di na talaga 'ko iinom ulit!" Sabi niya sa sarili habang naglalakad. Hindi niya alam kung saan siya pupunta basta ang alam niya kailangan niya munang umiwas kay Daniel.

Napapangiti naman si Daniel kapag naalala niya ang nangyari kagabi.

"De, ano, w..wala namang nangyari. Nakatulog ka kasi." Naalala niyang paliwanag niya kay Kathryn ng magising ito.

"Ako lang naman 'tong gising na gising buong gabi." Naisip niya.

Hindi siya makapaniwala. Silang dalawa. Sa iisang kwarto. Magkatabi. Sa kama.

Buong gabi lang yata niyang tinitigan si Kathryn na parang hindi pa niya nakatabi ito noon. Pakiramdam niya ay para siyang nasa langit at gusto na lamang niyang itigil ang oras.

Gabi na nang bumalik si Kathryn at naabotan niyang naghihintay si Daniel sa pinto.

"Magandang gabi." Bati nito.

Tumango lang sa kanya si Kathryn at pumasok na na agad naman siyang sinundan.

"Ayan na 'yung foods natin. Kain na tayo."

Hindi na tumanggi si Kathryn dahil nakaramdam na din ito ng gutom.

"Ako na." Kinuhanan siya ni Daniel ng plato at pagkain. "I know, favorite mo 'yan."

"Thanks." Maikling sagot nito.

Tahimik silang kumain habang halatang hindi pa din kumportable si Kathryn.

"Sor--" Sabay nilang nasabi bigla.

Ilang sandali pa..

"Sorry." Ulit ni Kathryn.

"No, sorry, Kathryn. Hindi ko na napigilan 'yung sarili ko."

Napainom ng tubig si Kathryn. "Sorry din."

"Hindi ka galit sakin ha?" Panigurado nito.

Hindi naman umimik si Kathryn.

Gago, alam mo namang dati pa galit sa'yo 'yan.

"Pero thank you, kasi.. kahit sandali lang, kahit kunwari lang, kahit ako lang ang may gusto, naramdaman ko ulit na nandito ka, kasama ko. Na parang dati lang, na parang mahal mo pa din ako."

"Please, 'di ko kaya. 'Wag mo nang ipaalala." Tila nandidiring sagot ni Kathryn.

"Hindi mo kaya na?" Muli na namang natahimik si Kathryn. "Okay, nakuha ko. Naiintindihan ko naman."

"Nanginig pa rin ako sa galit kapag naiisip ko." Kumunot ang noo ni Kathryn na parang kalmado ngunit may halong sama ng loob. "Hindi ko kayang gawin 'yon na alam kong nagawa mo na 'yon sa iba, na nandyan naman ako noon pero naghanap ka pa din ng iba, na ibinibigay ko naman sayo mga pangangailangan mo pero may nagbibigay din palang iba, na...." Napatigil siya at napapikit. "Ayoko nang isipin." Hindi na niya napigilang magsalita.

Napayuko si Daniel habang walang malay na nilalaro ang tinidor na hawak niya. "Ang lalim talaga 'no?"

Tumango siya.

"Ang dami kong sinira. Pati 'yung peace of mind mo."

"Nangyari na eh. Enjoy ko na lang 'yung sakit." At tumawa siya.

"Believe it or not, nasasaktan din ako. At 'yong sakit na nararamdaman ko hindi lang para sa sarili ko kundi dahil nasasaktan ka din ngayon. Nasasaktan ako para sa ating dalawa. Pwede bang ibalik na lang 'yung oras?"

"Imposible 'yun."

"Pero mahal kita eh. Hindi ko pwedeng tanggapin na ganito na lang." Sagot ni Daniel.

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon