DANIEL
Uminom ako sa hawak kong alak habang sa kanya naman ay kape. Nakaupo kami sa terrace ng kwartong pinagtuluyan namin habang nakatingin sa dagat at may malaking agwat sa pagitan naming dalawa.
"Naalala mo yung una tayong nagkausap?" Tanong nya.
"Oo naman."
"I forgot the name of that place basta nagkayayaan lang tayo ng mga officemates natin. May pinagdadaanan ka nun."
Nang mabanggit nya iyon ay may bigla din akong naalala.
"Hi.."
"Hi."
"Ikaw si ano.. si.. Kathryn?"
"Yeah. Ikaw 'yong cousin ni Diego? Si Daniel?"
"Oo.. Ah, kayo ba o nanliligaw pa lang?"
"Hindi, no! We're just friends."
Hindi ko makakalimutan ang unang beses na narinig ko ang boses nya at sa simpleng "hi" nagsimula ang lahat. Nakita ko lang syang nag-iisa sa school canteen noong high school at naisipan kong lapitan sya at umarte akong kunyare hindi ko alam ang pangalan nya kahit na ang totoo ay hinanap ko na lahat ng social media accounts nya.
Salamat at nakaramdam ako ng uhaw noon kaya naisipan kong bumili ng mineral water sa canteen. Salamat din at nalate sya ng gising at hindi sya nakapagbreakfast kaya sya nasa canteen noon para kumain.
"And one time, napagalitan ka ng Dad mo sa harap ng mga katrabaho natin. Hiyang hiya ka pa sa amin noon. Tapos that night nagyaya kang uminom. Hindi ka naman nagkwento. Sabi mo hindi ka malungkot. Gusto mo lang mag-enjoy." Patuloy lang na kwento ni Luisa.
"Hey, anong problema?"
"Baka hindi ako makagraduate. I failed sa halos lahat ng major subjects ko."
"Ano ka ba! Meron ka pang final term. Kayang kaya mong bawiin yan. Nandito ka na nga diba? Susuko ka pa ba?"
"Hindi naman kasi ganun kadali 'yon, Kathryn."
"I know.. At wala akong magagawa kasi wala naman akong alam dyan pero nandito lang ako para suportahan ka. Naniniwala pa rin ako sayo, naniniwala pa rin akong kaya mo at naniniwala pa rin akong magagawa mo 'to."
Kasama ko sya simula pagkuha ng entrance exams sa mga kolehiyo hanggang pagkuha ng board exam hanggang sa magkatrabaho na. Kahit kailan hindi ko naramdaman na nagkulang sya sa pagsuporta sa akin.
Sa lahat ng bagay. Sa lahat ng pagkakataon. Sa sampung taon.
Kahit sa kagustuhan kong lumayo sa kanya, sinuportahan pa rin nya ako.

BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617