Chapter 30

4.3K 179 44
                                    

Puno ng tawanan ang bahay ng dumating ako at nagkasama-sama kaming muli ng aking mga kapatid, pati na sina Mama at Papa. Unang gabi ko ngayon dito sa New York matapos ng byahe ko mula San Francisco para sa isang magazine shoot. Maaga nila akong pinagpahinga dahil marami-rami daw kaming pupuntahan bukas kasama na doon ang mga kamag-anak din namin dito.

Matapos mag-ayos ng mga gamit ay umupo ako malapit sa bintana at tumingin tingin sa langit.

"Anong ginagawa mo dyan ngayon?" Mahinang tanong ko at napangiti. "Masaya ka ba?"

"10:30 AM na dyan, siguro nasa trabaho ka na."

Okay. Mukha akong tanga. Sino ba kasi ang kinakausap ko sa labas ng bintana?

"Nagkabalikan kaya sila?"

At bigla kong naalala ang hindi ko inasahang nangyari sa akin sa Pilipinas tatlong araw bago ako umalis.

~~

Nasa parking lot ako ng mall matapos kong bumili ng mga kakailanganin ko sa pag-alis ng may makita akong pamilyar na babaeng naglalakad palapit sa akin.

Wow. Ang lakas ng loob lumapit sa kinatatayuan ko.

"Hi." Bati nya.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Kung ano man ang dahilan ng paglapit mo sa'kin, hindi ako interesado. You may now go back to Daniel's loving arms at magpahele ka habang kinakantahan ka nya ng paborito mong lullaby."

"Aw.. I'm not here para gumawa ng gulo. I just want to say sorry about the last time we talked. Naging rude ako sayo, naiinis lang talaga ako at medyo nakainom na rin."

"Okay. Apology accepted."

Nagmamadali lang talaga ako pero hindi ko makakalimutan lahat ng ginawa at sinabi mo saking impakta ka!

"Wala na kami." She suddenly said.

Natigilan ako pero I had to act normal. "Oh.."

Pero seryoso? Baka naman may iba pa.

Buti nga sa inyo. Punyemas kayo.

"I hope we can be friends, Kath."

"Aww, that's so sweet of you." I answered sarcastically.

"I'm sincere ab--"

Hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil sumingit ako. "Oh, please. Imposible 'yang sinasabi mo. We can't even be civil to each other, Luisa."

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon