Chapter 3

3.8K 125 41
                                    

DANIEL

Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho pauwi. Walang nagsasalita kahit ang dami daming dapat pag-usapan at  pareho naman naming alam pero pareho din naming binabalewala.

"Kathryn.." Ako na ang unang nagsalita. "'Yung kanina.."

"Hindi na kayang iproseso ng utak ko lahat ng nakita kong mali." Sabi nya habang tumitingin tingin sa bintana. "Gusto ko nang magpahinga."

"Ako din, Kathryn. Ako din." Sagot ko sa kanya.

"Edi magpahinga na tayo." Nilingon nya ako.

Napahinto kami sa intersection kaya hinarap ko sya.

"Gusto mo na ba? Handa ka na ba?" Seryosong tanong ko.

"Oo, doon kana matulog sa condo ko?" Ngumiti sya sa akin.

I sighed. Minsan kahit ang hirap hirap na, ang hirap hirap ding sukuan.

"Miss mo lang ako eh." Biro ko sa kanya.

Ngumiti ulit sya at sumandal sa bintana. Maya-maya ay napansin kong nakapikit na sya. Nakatulog na yata 'to. Ganyan yan kapag umuuwi kami ng late eh, nakakatulog sa sasakyan tapos minsan humihilik pa.


Nakangiti na lamang ako sa kanya.




**

ALAS TRES NG UMAGA. Ang usapan ay matutulog na ngunit heto kami sa balcony ng kanyang kwarto, nagtsa-tsaa sa ilalim ng mga bituin at buwan.

"Nawala na din antok ko." Sabi ko sa kanya.

Nawala daw kasi ang antok nya kanina ng binuhat ko sya papasok.

"Ganyan naman lagi." Tumawa sya. Oo nga, ganito kami dati, madalas.

Memories.

"Kamusta na pala parents mo? Kuya mo? Mga ate mo?" I asked.

Nakapalit na sya ng damit pag-uwi namin. Suot nya ang puting t-shirt na naiwan ko din dito noong nakitulog ako. Maraming beses na rin kasi kaming nakikitulog sa kanya kanyang bahay at bilang na lang yata ang mga gabi na hindi kami magkatabi sa pagtulog.

"Okay naman sila. Birthday ni Kuya Kevin bukas. May inayos silang surprise party for him."

Tinignan ko sya. Hinawi ko ang kumawalang buhok sa pagkakatali nito.

"Sorry." Iyon na lamang ang nasabi ko.

"Ano ka ba.. That was almost three years ago." She smiled. "Akala ko ba tapos ka na dyan?"

Nakatira na kasi sa ibang bansa ang pamilya nya pero pinili naman nyang manatili dito sa Pilipinas kasama ko. Para sa akin. Para sa amin. Pinili nya ako sa childhood dream nyang tumira at magtrabaho sa New York.

"Pangarap mo eh."

"Worth it naman yung kapalit ng pangarap na 'yyn." Hinawakan nya ang kamay ko. "Ito.. Ikaw. Tayo."

Ang sakit sakit sa totoo lang. Pinangako kong hindi nya pagsisihan ang desisyon na iyon pero mapapanindigan ko ba?

Alam kong mahal na mahal namin ang isa't isa noon. We've made so many decisions and sacrifices to save our relationship. Pero bakit ganito? Bakit parang nagsisisi ako sa mga permanenteng desisyon na nagawa ko sa pansamantalang naramdaman ko noon?

Pansamantala. Oo, dahil alam ko sa sarili kong marami nang nagbago.

I didn't say anything. Imbes na magsalita ay hinalikan ko sya.

I kissed her passionately. Ibinuhos ko lahat ng nararamdaman ko. Hanggang sa sya na mismo ang lumayo.

And I realized something. Wala na ang dati.

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon