Chapter 53

400 13 5
                                    

Kathryn's POV

Moving on is a very unpredictable process. Just a few nights ago halos isumpa ko na siya sa alaala ko at ngayon pang-ilang gabi na naming magkasama.

"You'll never have any power over me again." I swore to myself that one night. "Never."

May mga sandaling binibisita ako ng matinding galit na parang higanteng alon na handa akong lunurin. Dumadating sa puntong kinakausap ko na ang sakit at nagmakakaawang tumigil na. Siguro nga napaka-imposible ng sinasabi nilang makakabuo ka ng dagat sa dami ng iniyak mo pero totoo din pala na walang ibang salitang mas makakapaglarawan ng walang tigil mong pagluha sa walang pinipiling lugar at pagkakataon habang bitbit mo ang mabibigat na bagaheng ikaw lang ang nakakaalam hanggang sa hindi ka na makahinga—hanggang sa pati ang isip mo ay sumuko na at ang huli mong alaalala sa paggising mo sa umaga ay ang gabing hinehele ka ng iyong pagluluksa na parang sundalong sugatan na naghahanap ng ligtas na masisilungan.

"Shit!" That was the last thing I remembered habang nakahiga ako sa stretcher paakyat sa kwarto.

Akala ko ay katapusan na ng buhay ko. Hindi pala. Malakas nga pala ako. Lahat ng uri ng kamatayan yata ay nalagpasan ko na at kabisado ko na rin ang proseso ng pagluluksa na pwede na akong dumirecho sa huling hakbang ng nakapikit.

May mga araw na kinasusuklaman ko ang pagmumukha niya at ayaw ko nang madamay pa sa kung ano mang tungkol sa kanya na kahit ang pangalan niya ay ayaw ko ng banggitin pa.

"Daniel.." Suway ko sa kanya ng pinigilan niyang pumasok si Albie dahil bawal daw ang bisita. May dala pa itong bulaklak at Napoleones. "Let him in."

"Thanks, bro." Sabi nito at dumirecho na sa akin.

"Kamusta ka na?" Agad na tanong niya at pilyong nakangiti. "Strikto nung bantay mo ah."

"Kakatapos lang ng surgery ko kahapon. Sabi kasi ng doctor, pahinga muna at wala munang bisita. Pagpasensyahan mo na." Ngumiti ako sa kanya. "Okay naman ako. Malakas pa din. Dalawang beses na nakaligtas sa kamatayan." Biro ko.

Tumawa siya. "Miss kita, pare. Pinag-alala mo ko, grabe, ang feeling mo talaga. Alam mo ba bumalik pa ako from Bacolod nang wala sa oras."

"Ginagawa mo dun?"

"May inaayos na papeles para sa school." Sagot niya.

"Ah, at least alam ko na love mo talaga ako."

"Baliw, love naman talaga kita." Napalakas yata ang boses ni Albie dahil parang nakuha nito ang atensyon ni Daniel. "Oops, as a friend kasi."

Tumawa lang kaming dalawa. Matagal kaming hindi nagkita dahil pareho kaming abala sa kanya kanyang buhay pero madalas pa din naman kaming magkausap sa text.

Nagpaalam si Daniel na uupo lang sa labas ng kwarto dahil mahina ang signal sa loob and we grabbed that opportunity para pag-usapan siya.

"Kawawa ka naman lagi ka na lang nasasaktan." Pang-aasar na naman ni Albie na inabutan ako ng Napoleones.

"At nandyan ka na naman. Bigla bigla ka na lang sumusulpot out of nowhere 'pag nasasaktan ako. Mushroom ka ba?"

"Talaga, jinoke mo yan? Disgusting!" Sabi niya at sumubo na rin ng dala niyang Napoleones. "Sobrang tamis naman!"

Kinuwento ko sa kanya ang pagbisita sa akin ni Jacob noong isang araw. Tumawa pa siya dahil naiimagine daw niya ang reaksyon ni Daniel.

"Bakit bet mo na ba yung Jacob?" Tanong niya. "Based on your stories kasi, parang okay naman siya, parang mister good guy na amoy eros by versace, naka-polo ralph lauren tuwing nagogolf sa free time niya, may siriling TV sa kwarto at may electric toothbrush pa so the question is are you completely healed na ba para hindi mo na ma-mess up ang sanity ni Jacob?" Dire-direcho niyang binitawan iyon saka huminga.

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon