KATHRYN
Closure?
Paano ba dapat gawin 'yon? Paano ba talaga dapat tapusin? Ilang usapan ba dapat bago niyo matanggap na tapos na?
Iyon daw 'yong daan para tuluyan kang makalimot. Pero sa paulit-ulit na pag-uusap namin ni Daniel ay para bang hindi matapos-tapos ang mga hinanakit na gusto naming sabihin sa isa't-isa. Kahit isumbat at isigaw ko na sa kanya lahat, parang kulang pa.
Siguro, ako na lang ang magbibigay nun sa sarili ko.
"Okay ka na?" Tanong ni Daniel na kakalabas lang sa kwarto niya.
Susunod kami sa kung nasaan ang mga kaibigan namin ngayon. Hindi ko alam kung anong nagpabago sa isip niya dahil nasabi niyang hiniling niya sa mga kaibigan ko na ang linggong ito ay para sa aming dalawa lang.
"Oo, ikaw?"
Walang gana siyang tumango. "Tara na. Ako na diyan.." Hinawakan niya ang bagaheng dala ko. "Magchecheck-out lang ako tapos hintayin na lang natin 'yung sundo."
"Sige." Maikli kong sagot. Para bang ubos na ubos ang lakas naming dalawa.
Bakit ba ang hirap? Alam kong ito ang tama pero nalulungkot pa din ako. Gusto ko pa siyang makasama. Gusto kong manatili.
Pero pahihirapan ko lang lalo ang sarili ko.
"Moving on is a choice, Kath. Traydurin mo muna 'yong puso mo." Paalala ko sa sarili ko. "Mahihirapan ka naman talaga eh. Kung hindi, inig sabihin nun, you are not heading towards your goal." Dagdag ko pa sa isip ko. Para na akong tanga.
"Tara na, baka nandyan na 'yung sundo." Sabi niya sa akin.
Nang makarating kami sa resort ay agad kaming sinalubong ni Arisse at Trina.
"I told you, hindi magwowork." Rinig kong bulong ni Trina.
"Shh." Suway ni Arisse.
"Hatid niyo na ko sa room, please." Mataray kong sabi. Mga kasabwat din 'to eh.
***
"Hay.." Napahinga ako ng malalim nang makahiga na sa kama.
"Girl, buti you're here na. Ang papangit ng mga shots sa akin ni Trina."
"Excuse me, Miss. Baka kasi hindi ka maganda um-angle."
"Eh ikaw dapat 'yong naghahanap ng magandang angle, diba?"
"Nagtimer ka na lang sana, sis."
"Tama naman 'tong ginagawa ko diba?" Bigla kong natanong sa gitna ng pag-aaway nila.
"Ha?" Sabay pa silang sumagot.
"I told him I still love him pero hindi na namin kailangang magkabalikan."
"Sis, you know I support you naman pero sana totoo na talaga 'yan. I mean, I support you sa kung anong gusto mong gawin basta 'wag kang biglang magchachange mind in the middle ha?" Maarteng sagot ni Arisse.
"Ewan ko."
"Eh kasi, kahit naman ilang beses mo sabihin na ayaw mo na that won't change the fact na mahal mo pa din siya."
"And as long as that "love" is there, walang impossible." Dagdag din ni Trina.
"Parang love is enough to change your mind, 'no? Kaya dapat kahit masakit, kontrolado mo 'yung sarili mo. Kasi 'yung puso para siyang separate entity from your body na kahit siya lang 'yung may gusto nito and the rest of you eh ayaw na, makakahanap pa din siya ng way para masunod 'yung gusto niya."

BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617