Matapos ang limang araw na bakasyon sa Sagada, bumalik na si Kathryn sa katotohanan. Nagpahinga lang ng halos kalahating araw bago nya naisipang bumisita sa resto.
Hindi pa man lubusang nakakapasok ay sinalubong na sya nina Gracia na para bang may dalang sorpresa.
"Ma'am Kath!!!!" Sigaw ng mga ito. "Grabe, ma'am! Haba ng buhok mo mula Sagada hanggang Manila.."
"Ha?" She asked. Walang kaalam alam sa mga nangyayari habang wala sya.
"Tadaaaa!" Tumawa si Gracia at may inabot kay Kathryn. "Dumating yan kaninang umaga ma'am."
Nagulat si Kathryn sa nakita.
Tatlong pulang rosas mula kay Dominic.
***
"Albie! Namiss kita!" Sigaw ni Kathryn ng makitang papasok si Albie.
Dahil malapit lang dito ang kinauupuan ni Daniel sa kitchen ay dinig na dinig nya ito. Samantalang wala namang kaalam alam si Kathryn na nasa iisang lugar lamang sila ni Daniel.
Tumayo sya at pasimpleng sinilip ito. "Makayakap naman 'tong kumag na 'to!"
"Namiss din kita, ma'am! Ano, masaya ba maging single?"
"Ulol." Sabi ni Daniel sa kanyang isip at natawa.
"Hmm.. Ang dami kong ikekwento sayo."
"Mukha nga. Alam mo maraming naghahanap sayo dito. Mukhang kumalat na nga ang balita na wala ka nang boyfriend." Biro ni Albie.
"Talaga? Sinong naghahanap sa akin?"
"Di ko kilala eh. Pero maraming pumunta dito na nakamotor at mga mukhang bombay. Ikaw ha? Umamin ka.. May utang ka bang tinatakbuhan?" He joked again.
"He he." She faked a laugh and rolled her eyes. "Sino nga kasi?"
"Ako.." Gustong isagot ni Daniel pero hindi nga pala sya kasali sa usapan. Hindi nga nya alam kung papansinin din ba sya nito. Lumayo na lamang si Daniel at nagpatuloy sa mga binabasang dokumento.
"Hinanap din kaya nya 'ko?" Tanong sa isip ni Kathryn. 'Akala ko pa naman iiwan mo na lahat ng sama ng loob mo doon, Kathryn. Mukhang naglakad yata pabalik sa maleta mo eh. Ang bigat bigat pa rin ng bagahe mo."
"Bakit? May gusto ka bang maghanap sayo?"
"Wa-wala naman."
"Sus, para naman tayong just now." Tinawanan sya ni Albie at inakbayan. "Bumubisita naman sya dito. Pero wala naman syang nabanggit tungkol sayo. Pero may isang nagpadala sayo ng bulaklak at may isang bumibisita gabi gabi na hinahanap ka.. minsan kumakanta din sya dito. Clue? Starts with the letter D."
"Okay, that guy na nagpadala ng bulaklak, kilala ko yun. I met him at Echo Valley. He's a vlogger. His name starts with letter D. Dominic."
"Ahmm.. May isa pang D. Pero uunahan na kita.. Hindi sya si ex."
"Alam ko namang hindi sya. Bakit naman nya ako hahanapin eh mukhang hindi nga nya napansin na wala ako? Sabihin mo na kasi." Inis na na utos ni Kathryn.
BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617