Chapter 42

4.2K 127 25
                                    

Mag-isang pinapalipas ni Daniel ang gabi sa pinapagawa nyang bahay. Tahimik. Walang gulo. Walang nakakabinging tugtog at mga boses. Ang tanging naririnig nya ay ang kanyang paghinga at ang tanging nararamdaman ay ang ihip ng hangin.

Wala na syang kasama.

Hawak nya ang basong naglalaman ng alak sa kanyang kanang kamay at ang iniwang sulat ni Kathryn sa kaliwa. Naisip nyang sapat na siguro ang kanyang naipong lakas ng loob para basahin ang karugtong ng sulat na hindi nya nabasa.

'May gusto akong itanong sa'yo. Kahit hindi ko maririnig, sana sagutin mo.'

Inilapag ni Daniel ang basong hawak nya at kumuha ng lighter para sindihan ang kanyang sigarilyo.

'Bakit mo hinayaang mangyari 'to? Bakit mo hinayaang mawala 'yung nararamdaman mo? Kasi ako, hindi ko 'to nakita, hindi ko 'to naisip.'

Pinagmasdan ni Daniel ang usok mula sa kanyang sigarilyo. Umaakyat sa ere hanggang sa tuluyan ng maglaho.

**

Napahigpit ang hawak ni Daniel sa kamay ni Kathryn ng dahan-dahang bumaba ang sinasakyan nilang Ferris wheel.

"Pucha, ikaw lang nakapagawa nito sakin.." Mahinang sambit nya matapos nilang tumayo mula sa kinauupuan.

"See? Hindi ka naman mamatay dyan. Ano, isa pa?"

"Ano? Ayoko na! Alam mo ba na 'yung liver at kidneys ko nasa esophagus ko na tapos gusto mo pa ng isa?"

"Oh, akala ko ba hindi ka na takot?" Natatawang sagot ni Kathryn bago pumwesto sa isang ice cream store.

"Hindi nga. Isa lang naman ikinakatakot ko eh." Sumunod si Daniel at umupo sa tabi nya.

"Ano naman 'yun?"

"Mawala ka."

**

'Mahal na mahal kita at hindi lang 'yun basta mahal na mahal lang kita. Minahal kita sa kabila ng lahat. Makasarili ba 'ko kung isusumbat ko 'yun sa'yo?'

'Minahal pa rin kita at umabot pa rin tayo ng sampung taon kahit alam nating pareho na hindi ako gusto ng Papa mo para sa'yo.'

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon