Chapter 26

4.5K 197 91
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Tumayo ako at tumalikod sa kanya para ayusin ang magulo kong buhok at gusot na damit.

"Napadaan lang ako kasi naiwan ko yung phone ko tapos nadatnan kong bukas 'tong pinto. Masama daw ang pakiramdam mo?" Tanong nya.

"Ano bang pakialam mo?" Tanong ko din sa kanya.

"Nag-aalala lang ako para sayo kasi mag-isa ka dito.."

"Okay ako. Pwede ka nang umalis."

Parang nag-iinit ang ulo ko tuwing nakikita ko syang ganito. Yung kunyaring wala syang alam at nag-aalala pero alam naman nyang sya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Nanatili pa syang nakatayo malapit sa pinto at nakatingin sa akin na parang may gustong sabihin.

"Gusto ko lang makasigurado na okay ka." Mahina nyang sabi.

Hindi ko alam kung gaano ka kapal ang mukha nya para humarap sa akin matapos ng lahat.

"Seryoso ka ba?" Napatawa ako sa sobrang inis. "Bakasyon nating magbabarkada tapos dadalhin mo sya dito? Ano.. kahit konting hiya lang wala kayong nararamdaman? Wala ba kayong mga konsensya? Natitiis nyong sumama sama dito na parang wala kayong ginawang kagaguhan sa akin?"

Nanghihina ako at masakit ang ulo ko pero parang tumaas yata ang energy ko sa sobrang inis. Gusto ko syang saktan pero hindi ko magawang lumapit.

"Hindi ko naman---"

"Sinabi nga nila Patrick.. Wala ka nga daw alam." Tinignan ko syang bahagyang nakayuko. "Pero sana kung papalitan mo lang din naman ako, sana naman pinili mo yung babaeng marunong rumespeto sa kapwa nya babae. Tangina naman oh, alam nyo nang mahirap sakin 'to diba?! Sabihin nyo nang makarili ako, na yung mararamdaman ko lang yung iniisip ko pero sana naman intindihin nyo yung pinagdaanan ko! Wala akong inaasahan mula kay Luisa pero sayo, meron! May pinagsamahan naman tayo diba? Napakainsensitive nyo!" Naiiyak na sumbat ko sa kanya.

At oo, ito na naman ako. Pagmumukhain ko na namang tanga ang sarili ko.

Lecheng pagmamahal 'to! Kahit anong pilit kong lumayo, hindi ko pa rin magawa.

"Sorry. Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan yung loob mo."

"Mapagaan ang loob? Gago ka ba? Eh ikaw nga ang dahilan kung bakit ang bigat bigat nito eh. Kung gusto mong mapagaan ang loob ko, burahin mo sa alaala ko lahat ng panloloko mo sa akin. Magagawa mo ba?"

Kumuha ako ng scarf at inilagay sa balikat ko. Lumabas ako at iniwan sya sa loob ng kwarto.

Hayop. Ako pang mag-aadjust.

"Kathryn.." Tawag nya ng muntik na akong matumba.

Masyadong mainit ang araw na lalong nakadagdag sa sakit ng ulo ko. Nag-iinit ang katawan ko at pakiramdam ko ay matutumba ako kung ipagpapatuloy ko ang paglalakad.

"Magpahinga ka na lang muna kasi.."

"Wag mo kong pinangugunahan."

"Saan ka pupunta? Medyo malayo pa yung pinuntahan nila Marlann baka hindi mo kaya."

"Kinaya ko nga yung hiniwalayan mo ko, ito pa kaya?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya. Anong karapatan nyang mainis?

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng hindi ko na talaga kinaya ang init. Lalong sumasama ang pakiramdam ko dinagdagan pa nitong sumusunod sa akin.

"Ano ba, hindi mo ba ko titigilan???!!!! Ano bang hindi mo maintindihan sa 'Umalis. Ka. Na. Ayaw. Kitang. Makasama?!!"

Lumapit sya sakin at inalalayan ako. Tangina, mas lalo yata akong nanghina.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Siguro dahil na rin sa mga pinagdadaanan ko ay napabayaan ko na ang aking sarili.

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon