Nanatili silang na nakaupo ng magkatabi na may konting agwat sa pagitan. Si Kathryn ay pinapakinggan ang himig ng ulan habang si Daniel ay tahimik na nananalanging sana hindi muna tumila ito dahil gusto niyang makulong sa kung nasaan si Kathryn at makita siyang ngumingiti, tumatawa at totoo.
Ngunit tumila ang ulan at walang paalam na umalis si Kathryn.
Naglakad-lakad siya sa labas at nagtampisaw sa dagat habang hinihintay ang text o tawag ng mga kaibigan kaya sumunod na lamang si Daniel sa kung saan pupunta ito.
"Tatayo ka lang ba diyan? Mag-enjoy ka kaya." Sabi sa kanya ni Kathryn nang mapansin nitong nakatayo lang ito at nakatingin sa kanya.
"Nag-eenjoy ako."
"Really.."
"Nag-eenjoy nga tignan ka. Hmm, kunan kita picture, wait." Aangal pa sana si Kathryn pero huli na dahil nakatutok na sa kanya ang camera kaya sumunod na lang ito. "Ikot ka kunyare.. Smile.."
"Tama na." Lumapit sa kanya si Kathryn. "Patingin nga."
"Diba ang galing ko na rin?"
"Ahm, pwede na."
"De, maganda ka lang talaga."
"Sinungaling!"
"Hindi 'no? Totoo kaya?"
"Talaga? Hindi ka sinungaling?" Tinaasan siya nito ng kilay.
"Okay, sige, sinungaling na 'ko pero 'yung sinabi kong maganda ka at mahal kita, totoo 'yun."
Hindi na 'yun pinansin ni Kathryn. Naglakad-lakad ulit sila hanggang sa nakahanap sila ng café. Nagkape muna si Daniel habang si Kathryn naman ay kumain.
"Sarap.." Kumagat ulit si Kathryn sa inorder niyang pizza. "Kain ka.. masarap."
"Talaga?"
"Yeah, gusto mo?" Kinuha ni Kathryn ang isang slice at iaabot sana kay Daniel.
"Isang bite lang." Tila nagpapacute pa ito.
Inirapan siya ni Kathryn. "Arte mo. Oh.." Sinubuan din naman niya ito.
"Hmm, sarap nga."
"Diba? Gusto mo mag-order ako ulit?"
"No, ang dami ko kasi kinain kanina eh. Busog pa 'ko."
"Ay, oo nga pala." Halos ubusin kasi ni Daniel ang breakfast nila kanina dahil ayaw na ayaw ni Kathryn na may nasasayang na pagkain. "Masarap food nila dito."
"Yeah. Anong gusto mong gawin after?"
Kathryn checked her phone at wala pa ring text or call. "I don't know? Gusto ko sumakay dun sa boat?"
"Anong boat?"
"'Yung dun sa guy na nadaanan natin kanina?"
"Ah, okay. Sige, sasakay tayo dun after mo kumain. Tapos punta tayo dun sa may live band ha?"
"Talaga, meron? Sige." Excited na sagot ni Kathryn.
Nang sumasakay na sila sa bangka ay nagpakuha ng picture si Kathryn kay Daniel.
"Yuck, mukha akong.." Nandidiring tingin niya sa mga kuha niya sa camera.
"Ang ganda mo kaya?"
"Ulitin mo. I'll take this off." Kinuha ni Kathryn ang suot niyang oversized t-shirt at inayos ang nabasa na niyang buhok. "Okay, go."
Para yatang nagslowmo sa paningin ni Daniel ang pagkuha nito ng t-shirt. Kinuhanan niya ito ng picture sa bawat pose.
"Uhmm, nice. Ano ba ipopost ko mamaya? This.."
![](https://img.wattpad.com/cover/125816408-288-k606403.jpg)
BINABASA MO ANG
Life After You
RomantizmAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617