Chapter 40

7.1K 164 56
                                    

Umaga na at ipinagpahinga muna ni Kathryn ang namumugto nyang mga mata sa pagluha. Hindi pa rin talaga nauubos ito. Hindi pa rin naiibsan ang sakit. Hindi pa rin natatapos.

"Pero kahit paano, parang gumaan 'yung pakiramdam ko nung nasabi ko 'yun sa kanya." Sabi pa ni Kathryn matapos ikwento ang mga nangyari noong isang gabi kay Albie na bumisita sa kanyang apartment.

"Tapos sinabi nyang mahal ka pa nya?" Pag-uulit nito.

Tumango si Kathryn at napairap.

"So anong plano mo ngayon?"

"Walang nagbago sa plano ko." Sagot ni Kathryn habang ipinagtitimpla ito ng kape. "Ganun pa rin.. Before Christmas, aalis ako."

"Aalis ka pa rin?"

"Oo naman. After Marlann's wedding, before Christmas."

"Paano 'yung resto? Paano si Daniel?" Muling tanong ni Albie.

"Pinag-iisipan ko pa kung ibebenta ko 'yung shares ko o iiwan ko na lang kay Ate kasi sya naman ang uuwi dito."

"Eh si Daniel? Paano sya? Alam ko namang mahal mo pa eh."

Sandaling natahimik si Kathryn at napaupo bago sumagot. "Oo, mahal ko pa rin sya pero natutunan ko nang hindi iparamdam."

"Hindi mo na ba sya bibigyan ng pagkakataon?"

"Ilang beses ko nang pinagbigyan, 'di ba? Mahirap kasi mahal ko pa rin sya pero hindi naman siguro masama kung sarili ko naman ang bigyan ko ng pagkakataon ngayon."

"Tama ka naman." Sagot ni Albie at uminom sa kanyang kape. "Mamimiss ko itong timpla mo ng kape at 'yung mga usapan natin."

"Bakit ka ganyan magsalita?" Tinignan lamang sya ni Kathryn ng masama. "Ano nga palang ipinunta mo dito?"

"Wala naman.. Mukhang okay ka na kasi eh. Hindi mo na kakailanganin ang mga payo ko." Natawa siya sa sinabi nya bago kinuha ang dala nyang paper bag at inabot kay Kathryn ang laman nitong libro. "Espesyal sa akin ang librong 'yan."

Tinignan ni Kathryn ang libro at nakita ang pangalan ni Albie at isang polaroid picture nilang dalawa na nakaipit sa mga pahina. "Bakit?"

"Makakatulong 'yang librong 'yan sa'yo, I'm sure. Basahin mo kung kailangan mo ng motivation o kung kailangan mo ng advice tungkol sa career at future para kahit wala na ako, parang nakakausap mo pa rin ako."

"Sandali, sandali, bakit ka ba ganyan magsalita? Anong kahit wala ka na? Anong ibig mong sabihin? Aalis ka din ba? Ikaw, kakapakita mo nga lang ulit sa akin kung ano ano pa pinagsasabi mo."

"Hindi, baka lang kasi ano.. ah.. basta tanggapin mo na lang..." At ngumiti lamang sa kanya si Albie.

Hindi maintindihan ni Kathryn pero para bang may kakaiba dito.

**

Mula sa kitchen, dinig ni Daniel sa counter ang asaran ng nga staffs ng dumating si Albie. Matagal na rin daw kasi itong hindi pumupunta doon dahil naging busy na sa kanyang OJT.

"Uy, sakto ang dating mo, wala pa kaming ulam para sa lunch eh. Namimiss na namin luto mo." Parinig sa kanya ni Leo.

Malapit na ang lunch break at wala pa silang naluto para sa kanilang tanghalian kaya naisipan nilang kay Albie ipagawa ito bilang magaling din itong magluto.

"Edi gawin na lang nating ulam sa kanin ang sobrang kanin." Biro nito sa kanila. "Kayo talaga, last na 'to ha."

"Minsan ka na lang naman pumunta dito eh. Kamusta ka na?" Tanong sa kanya ni Faye.

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon