Sabi nila ito daw 'yong pinakamalungkot, ang katapusan ng katapusan. 'Yong unti-unti mo nang napaghihiwalay ang ikaw sa kayo. Alam mo na ulit kung paano maging ikaw bago siya umeksena sa mundo mo. Kabisado mo na ulit ang bawat daan ng walang ibang nagmamaneho para sa'yo. Nasasanay ka nang sarili mong boses ang unang babati sa pag-gising mo.
Uuwi kang namamangha. Ang saya palang mag-isa.
Tapos unti-unti kang sisimangot dahil naalala mong mas pipiliin mo pa ring makasama siya. Mas pipiliin mo 'yong mga kamay na yayakapin ka hanggang sa hindi ka na makahinga kesa sa mga kamay na papalayain ka sabay turo ng direksiyon palayo sa kaniya.
Tapos malulungkot kasi wala nang daan pabalik. Kailangang mong tanggapin na mag-isa ka na at kasalanan ang iyong pananabik.
"We loved each other for ten years." Sabi ni Kathryn na walang pagdadalawang-isip. "Until that one night came, I knew our lovely ten years were down to its one last minute, and I have felt every second of it in the most agonizing way.."
"You still love him." Tila siguradong sigurado si Jacob sa kanyang binitawang salita. "Pero galit ka. At hindi mo alam kung alin 'yong mas matimbang between love and anger."
"Parang ganun na nga."
"Dapat ka lang namang magalit after all that he has done. 'Di man lang sya naawa sa'yo. But knowing na kino-consider mo pa rin 'yong love kasabay nung anger, hindi pa ba sagot na 'yon sa iniisip mo."
"Pero hindi niya alam kung gaano ako ka-miserable nung nawala siya. Seeing him brings me back to those moments. Parang nasasaktan lang ulit ako." Sabi ni Kathryn.
"Pero mahal mo."
"Pero galit pa rin ako."
"Kung galit ka pa rin ibig sabihin mahal mo pa rin."
"Hindi naman porket galit ka pa sa taong nanakit sa'yo eh mahal mo pa din. Hindi lahat ganun." Depensa ni Kathryn.
"But in your case, ganun 'yon."
**
Nakatitig lang si Daniel sa dagat. Nakikipagkasunduan sa mga alon na kung pwedeng dalhin na lamang nila ito sa kung saan sila pupunta.
Pakiramdam niya ay nawawala siya. Parang nahuhulog siya sa isang bangin ngunit 'di pa rin bumabagsak sa lupa. Parang nalulunod sa dagat ngunit hindi pa 'rin nauubusan ng hininga. Naghahabol, hinihingal. Walang katapusan.
"Tangina! Tanginang buhay 'to!"
Paulit ulit na sinasaktan ang sarili sa pag-iisip kay Kathryn na kasama si Jacob sa mga oras na ito.
"Pagod na 'ko! Tangina!" Parang nagmamakaawa na bawiin ang kasalukuyan at ibalik na lang ang dati.
Kinuha niya ang phone at sinubukang tawagan si Kathryn ngunit 'di niya ito ma-contact.
''Ano na naman kayang ginagawa ng gagong 'yon sa'yo??''
**
"Sana kasi pwedeng iba na lang." Biro ni Jacob.
"Natuturuan ba 'yong puso?"
"'Yong sa iba baka pwede. Pero 'yong sa'yo ang hirap. May sariling desisyon eh, walang respeto sa may ari."
Natawa na lamang si Kathryn. "Jacob.."
"Hmm?"
"Sana 'wag kang mawala. Masaya akong nakilala kita."
"Ako din. Actually, gusto kita. Sobra. You feel it, right?"
"'Di naman ako feeling 'no!"
"Pero it's true! Gusto kita. I'm happy to know you din. And I am willing to stay while you are healing. Ganun ka kalakas sa'kin."
BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617