KATHRYN
Makita ko pa lang sya, hindi ko na maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Parang basong nabasag ang puso ko, parang bangkang papel na lumubog, parang rubiks cube na hindi mabuo kahit anong pilit ko, parang puzzle na itinapon sa dagat ang huling piraso at parang luha sa mga mata kong unti-unti nang namumuo.
"I'm sorry.." Sabi nya matapos lumapit sa akin.
"Sorry? Para saan?" Tanong ko at mahinang tumawa. "I mean.. Sa dami kasi ng nagawa mo, di ko alam kung para saan ka nagsosorry."
"Kasi.. Kanina si Luisa kasi yung nagdadrive kaya hindi ko.. Hindi ako.. Hindi kita napuntahan. I'm sorry.." Paliwanag nya. Ito na naman ang mga traidor kong luha.
Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam kung makakagaan ng pakiramdam ang salitang bibitawan ko o lalong madadagdagan ang bigat na dala dala ko. Kaya nanatili akong tahimik.
"Alam kong nasaktan kita, hindi ko alam kung anong pwede kong gawin para hindi ka na mahirapan."
"Bakit ka ba nandito? Hindi ka ba hinahanap ng girlfriend mo?" Tumalikod ako at nagkunwaring nag-aayos ng mga gamit sa bag.
"Teka, lasing ka ba?" Tanong nya.
"Bakit? Masama ba? Eh yun naman kadalasan ginagawa ng mga iniwan at ipinagpalit, diba?"
"Hindi naman. Ayoko lang na naglalasing ka. Okay lang naman yung uminom pero sana yung kaya mo lang."
I laughed. "Alam mo dyan ka talaga magaling no? Lagi mo kong pinagbabawalan sa mga bagay na ginagawa mo din naman. Pwede ba?! Tigilan mo na yan kasi wala nang tayo."
Napahinga sya ng malalim. Hindi na sya sumagot.
"So anong pinunta mo dito?"
"Gusto ko lang magsorry." Sagot nya.
"Oh, nakapagsorry ka na. Pwede ka nang umalis." Sabi ko sa kanya.
Nagpaalam din naman sya para umalis. Aba, gago to ah.
Tinignan ko sya ng masama.
Tangina, wag ka munang umalis.
Kailangan kita.
Hindi ko kayang mag-isa.
"I'll go ahe---"
"ANO BA NAMAN YUNG RESPETUHIN MO KO?!" Sigaw ko kaya napabalik sya. "This place is ours! Atin to, pinaghirapan nating dalawa to!!! Tapos malalalaman ko na meron kang dinala dito? Dito mismo sa kwartong 'to!?"
"Pasensya na.." Iyon na lang ang nasabi.
"Kakahiwalay lang natin, Daniel! Tapos magdadala ka dito ng babae mo?? Iniisip mo man lang ba yung mararamdaman ko, ha? Alam ng lahat na ako yung girlfriend mo, ang alam nga nila ikakasal na tayo eh pero iniwan mo ko at ipinagpalit sa iba, tapos ngayon dadalhin mo sya dito na parang walang nangyari? Hindi mo man lang ako naisip? Hindi mo man lang inisip yung sasabihin nila? Alam mo ba yung pakiramdam na kinakaawaan ka?!! Ang sakit sakit na parang wala lang sayo lahat!"
Umiyak ako na parang batang iniwan ng magulang sa unang araw ng klase. Umupo ako dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako.
Umupo din sya malayo sa akin. "Pasensya na, ang gago ko kasi eh. Ang tanga tanga ko."
Mahina lang ang pagkasabi nya. Para syang pagod pero pilit na nagsasalita.
"Sana hinayaan mo muna akong masaktan dahil iniwan mo 'ko bago mo 'ko saktan dahil ipinagpalit mo 'ko sa iba." Sumbat ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/125816408-288-k606403.jpg)
BINABASA MO ANG
Life After You
RomansaAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617