Sunday
Lumipas ang Pasko. Dumating ang Bagong Taon. Bumalik na ng ibang bansa ang pamilya ni Kathryn. Isang buwan na rin ang lumipas mula nang ibinalik nito ang singsing kasabay ng kanilang mga pangako. Maraming nagbago sa sandaling panahon lang.
At sa ngayon, ang tanging nakikita nyang mananatili ay ang lungkot.
"Kath, kamusta na?" Tanong ni Patrick. Maaga syang bumisita sa resto dahil wala daw syang magawa ngayong araw.
"Okay naman. Ikaw?" Kathryn asked.
"Okay lang din. Grabe madalas we're in the same place lang naman pero nagkakamustahan pa tayo ngayon." He laughed. "Miss ka na namin ah. Di kana sumasama sa mga lakads."
"Si Luisa na lang isama nyo. Alam nyo namang awkward kami ng kaibigan nyo diba?"
"Uy, ito naman. Nandun naman kami eh. Tsaka isang beses lang nga nakisama samin 'yang si Luisa tapos di na naulit."
"Gusto ko rin naman sumama sa inyo. Kaso di talaga magandang idea 'yon ngayon."
"Hindi na nga nauulit yung mga masasayang travels natin. Namimiss ko na magroadtrip. Alam nyo naman kayo ni DJ ang boss." Sabi ni Patrick at malungkot na ngumiti.
"Baka matagal pa bago maulit 'yon, Pat.. O baka hindi na." Sagot naman ni Kathryn. "Balik muna ko sa kitchen. Enjoy the food."
Bumalik si Kathryn ng may mabigat na pakiramdam. Nalulungkot sya para sa nangyari sa kanya at nalulungkot din sya dahil pati mga kaibigan nila ay naapektuhan.
"Magandang umaga, magandang binibini. Hindi ko alam kung talagang maganda ang umaga o nasabi ko lang 'yon dahil sadyang maganda ang tinititigan ko ngayon." Bungad sa kanya ni Albie na kakapasok lang.
Naging matalik na kaibigan na rin nya si Albie at sa tuwing may free time ito ay lagi sya nitong sinasamahan.
Tinignan lang sya ni Kathryn na parang natatawa. Nakaupo ito malapit sa counter at may hawak na isang can ng softdrinks sa kanila at nilalaro ang telepono sa kabila. Wala masyadong tao dahil maaga pa kaya wala din masyadong gagawin.
"Bakit na naman?" Tanong ni Albie. "Nakasimangot ka na naman. Sige ka, baka biglang dumilim ang mga ulap. Hindi na maganda yung umaga ko."
"Buti nga yun. Hindi rin kasi maganda ang umaga ko edi damay damay na 'to."
Albie laughed. "Ano ba kasing nangyari?"
"Wag na. Okay na."
"Come on, Ma'am! Ako lang to oh.."
She sighed. "Kasi nakakainis eh. Feeling ko nilulunod ako sa lungkot tapos minsan parang wala lang. Minsan gusto kong umiyak minsan parang ang empty. Alam mo yun? Kailan ba matatapos to?"
He looked at her habang nakikinig. Hinahayaan nya lamang itong magsalita.
"Kanina after ko magsimba, may nakasalubong akong magtataho. Sabi nya, 'nasaan na yung lagi mong kasamang lalaki? Yung matangkad?' Parang nakakainis. Bakit ba hinahanap ang wala?"
"Tapos kanina si Patrick, kinamusta ako. Miss na daw nila ako. Kasi kami ni Daniel talaga yung nangunguna sa mga roadtrips namin. Ngayon hindi na daw nila nagagawa."
"Tapos yung family nya, inimbita ako sa birthday ng Lola nila. Parang nagiging family reunion na rin kasi nila yun. Hindi ko naman nahindian. Bahala na."
"So ano talagang pinoproblema mo?" Tanong ni Albie.
"Bakit ang hirap?"
"Malamang. Ten years mo ngang minahal eh, kalimutan pa kaya?"
BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617