8:16 AM
Traffic. Holding hands. Soggy barbecue-flavored fries. Car playlist. Her laugh. Her voice. Her presence. Those are the things Daniel found himself missing as he sadly stare at the empty seat beside him.
Parang kanina lang ay nagsimula ang araw nyang malungkot matapos maalala ang masayang boses ng babae na kumakanta tuwing naliligo ito sa bathroom habang naghihintay lang sya sa labas.
Siguro, maliit na bagay lang ito noon pero napakalaking lungkot pala ang dala kapag lahat ng iyon ay lumipas na.
Naisip nyang tama nga si Kathryn sa tuwing kumukuha ito ng mga litrato. "Kasi ito 'yong magpapaalala sa'tin ng mga nagawa natin ng magkasama kapag dumating na 'yung araw na matatanda na tayo at magiging makakalimutin ka na."
She's right. "Alam mo.. Pwedeng maubos 'yung pera.. 'yung mga materyal na bagay pwedeng masira.. Pero 'yung memories, habang tumatagal, tumataas ang value."
'Miss na kita.' He whispered. 'Parang namang tanga, Daniel. Iiwan iwan mo tapos mamimiss mo naman pala.'
Nagulat na lamang si Daniel ng biglang tumawag si.. si Kathryn.
Si Kathryn????
"Hell-----"
"Daniel, hello, pwede ka bang pumunta dito sa resto? Importante lang. May.. may problema tayo." Parang natataranta ngunit pinipilit maging kalmado ang boses nito.
"Sandali, Kathryn.. Ano ba 'yun? Diderecho na 'ko dyan."
**
9:02 AM
Mabilis na naglakad si Daniel mula sa parking lot hanggang sa kitchen ng restobar ng tawagan sya nito para ibalita ang nangyari doon. Naabutan nyang problemadong may kausap si Kathryn sa telepono pagkatapos ay napaupo ito na parang may malalim na iniisip.
"Hey.. Okay ka lang?" Lumapit si Daniel at tinapik ito sa balikat.
Hindi napigilan ni Kathryn ang mapapikit.
Bakit sobrang sarap pakinggan ng boses nya? Parang gusto nyang manlambot, manghina at magpayakap na lang kay Daniel habang hinihimas nito ang kanyang likod at hinahayaan syang umiyak.
Pero hindi. Hindi pwede. Namimiss lang nyang magkaroon ng karamay sa sobrang bigat ng nararamdaman nya ngayon.
"Anong problema dito? Bakit closed pa rin tayo? Bakit wala sila? Nasaan na sina Le--"
"Pinauwi ko na muna sila." Sagot ni Kathryn at tumayo para uminom ng tubig.
"Okay, so pwede mo na bang ikwento sa akin ang nangyari?"
"May mali ba ko sa pagmamanage dito?" Tanong din ni Kathryn.
"Sandali.." Tumayo si Daniel sa harap nya.
"May costumer kagabi na nagreklamo na may ibang lasa daw 'yung isang menu.. tapos 'nung medyo late na may mga sumakit 'yung tiyan at nasusuka hanggang sa sunod-sunod na 'yung nagreklamo."
"Tapos?"
"Hindi ko na alam gagawin ko.. Kagagaling ko lang sa hospital kasi may mga naadmit na costumers. Now, under investigation na 'yung nangyari and 'yun yung kailangan nating harapin. Pwedeng may mga material or machines tayong nagkaproblema or may mga ingredients na sira na o contaminated." Unti-unti nanginginig ang boses ni Kathryn na parang paiyak na.
BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617