Alas dos ng umaga, nakaupo si Kathryn sa upuan ng cottage sa labas ng kanilang inarkilahang kwarto sa pribadong villa ng isla, dinaramdam ang malamig na simoy ng hangin habang nililipad lipad nito ang kanyang buhok na tila sinasabayan ang tugtog na dulot ng paghampas ng alon sa buhangin.
"Di mo naman siguro ako aawayin kung tatabihan kita diba?" Biglang tanong ni Diego na nakatayo sa likod.
Saglit syang tinignan ni Kathryn na parang wala lang.
"Ano ba yan! Hanggang ngayon irita ka pa rin sa akin?"
"Dami mo pang sinasabi. Umupo ka na nga lang dyan." Sagot ni Kathryn.
"So kamusta ka naman?"
"Anong gusto mong sagot?"
"Yung totoo."
"I'm not okay." Sabi ni Kathryn. "Lahat ng bagay mahirap."
"Nasanay ka kasi na nandyan sya pero kaya mo yan. Strong woman ka kaya." He said ang laughed.
"Minsan okay naman ako. Minsan gusto ko na lang umiyak. Minsan feeling ko ang tapang ko. Minsan gusto kong manumbat. Minsan gusto kong magalit. Minsan gusto ko na lang sumuko."
"Naiintindihan kita, ganyan naman talaga yan sa simula. Magulo.."
"Pakiramdam ko para akong tinanggalan ng isang parte ng katawan. Parang hirap na hirap akong bumangon.. Pero wala naman akong magagawa so I just have to pretend na okay ako."
"Hindi mo naman kailangang itago. Maiintindihan ka naman nila."
"Hindi eh. Siguro akala nila madali lang labanan 'to. Pero di nila alam yung hirap.." She faced him and smiled sadly. "Gigising ako sa umaga sya yung unang taong maiisip mo. Bago matulog sya pa rin. Hindi ko na alam kung paano puputulin lahat ng nag-uugnay sa aming dalawa eh."
"Madali lang yan. Kayang kaya mo. Takot ka lang subukan."
"Ilang beses ko nang sinubukan, Diego. Wala, uuwi pa rin akong talo. Kahit gaano kasakit, binabalikan pa rin ng isip ko yung magagandang alaala naming dalawa. Kahit nasaktan nya ako, hindi ko pa rin mabitawan kasi naramdaman ko naman kung paano nya ako minahal. Ipinaglaban nya ako noon, umabot ng ilang taon, pinangakuan nya ako ng kasal, papatayuan ng bahay, pinaramdam nya sa akin yung kakaibang saya nung malaman ko na pareho naming nakikita ang future namin kasama ang isa't isa. He gave me so much to hold on to."
"Hindi naman kita masisisi. Alam ko kung gaano nyo minahal ang isa't isa. Siguro biktima lang din kayo ng bagong sistema ng tadhana."
"Ay, may ganun ba?"
"Oo, di ka ba naabutan ng pinamigay nilang flyers?"
"Di eh." Sakay din ni Kathryn sa trip nito. "Nagbago na pala. Ano yun? Yung malalandi, sila yung pinipili?"
"Siguro?" He laughed and moved closer to her. "I have an idea, Kath."
"Magugustuhan ko kaya yang idea mong yan?"
"I hope so." He smirked.
"Okay, what is it?"
It took him a few seconds to answer. "Subukan mo ko."
"Ha?"
"No pressure, Kath. Subukan lang natin."
***
Nagprepare ang mga girls ng dinner habang wala pa ang mga boys. Naghiwalay kasi sila ng pupuntahan at siguro para na rin maiwasan ang awkwardness sa pagitan nina Kathryn at Daniel.
"Oh, no.." Sambit ni Marlann.
"Why?" Arisse asked.
"Ah.. Kasi---"
![](https://img.wattpad.com/cover/125816408-288-k606403.jpg)
BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617