Chapter 16

4K 168 51
                                    

Christmas Eve

Handa na ang noche buena sa lamesita ng sala habang may mga kandilang nagsisilbing ilaw kasabay ng buwan na matatanaw sa labas ng nakabukas na bintana.

"Merry christmas, Kathryn!" She whispered to herself. "Merry christmas din sayo, Kath!" She answered and laughed.

Iniisip nya kung paano papalipasin ang gabi kung ang kanyang kasama ay mga alaala na lamang ng mga nakaraang masasayang pasko.

Kanina ay kausap nya ang kanyang mga kaibigan, bumati sila sa isa't isa at bumalik na din sa kani-kanilang selebrasyon. Sinusubukan nya ring tawagan ang kanyang pamilya ngunit hindi rin sila macontact. Naisip nya na siguro ay busy sila sa trabaho dahil bukas pa naman ang pasko doon.

Naisip nya ring tawagan si Daniel ngunit hanggang isip na lamang iyon.

Nagbukas sya ng instagram at napadpad sa account ni Luisa. Nakita nyang nasa ibang bansa ito.

"Baka kasama nya si DJ.." She thought. "Pero wala naman sya sa picture... Ah baka sya yung nagpipicture."

Napatawa sya sa sarili.

She was checking her notifications, umaasang may makakaalala pa, nang bigla itong nagring.

Someone's calling.

"Hello?" Sabi nya ng mabasa kung sino ito. "Oh, napatawag ka?"

"Wala naman. Ilang oras na lang pasko na! Babatiin lang sana kita. Merry christmas, ma'am!"

"Merry christmas din sayo." Sagot nya.

"Oh, bakit parang malungkot ka?" Tanong ng nasa telepono ngunit agad ding binawi ito. "Okay, joke lang yung tanong, alam kong malungkot ka at alam ko din kung bakit."

"Ah, okay."

"Huy, ang tipid mo naman magsalita. Akala ko ba friends na tayo, ma'am?"

"Oo nga. Eh wala naman akong sasabihin eh." She said coldly.

"Ahmm, kamusta yung araw mo? Anong noche buena mo? Anong iniisip mo?"

"Sige, isheshare ko sayo, pasko na naman ngunit wala pa sya. Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa kanya? Bakit ba naman kailangang lumisan pa? Ang tanging hangad ko lang makapiling sya. Sana ngayong pasko ay maalala nya pa rin ak---"

"Ma'am, kantahin mo kaya para mas feel na feel?"

"Nakakainis ka! Sige bye na.."

"Wait!"

"Ano?"

"Knock! Knock!"

"Ha? Para tayong tanga."

"Sumagot ka ng who's there.. Uulitin ko ha? Knock knock!"

"Who's there?"

"Albie."

"Albie who?"

"Albie.. you're crying shoulder.. Albie, your love's suicide.."

Matagal bago nakapagsalita si Kathryn. "Baliw."

"Ma'am, alam mo naman na kapag kailangan mo ng kausap, Albie there for you, diba? Diba braders tayo?" Biro pa nito.

Napangiti si Kathryn. Sandaling panahon pa lamang sila nagkakilala pero naging malapit na ito sa kanya at napapagaan nito ang loob nya.

Ang sumunod na narinig ni Albie ay ang mahihinang hikbi nito.

"Hindi ako sanay.. Hindi ako sanay mag-isa."

"Hindi ka naman mag-isa eh. Malungkot ka lang pero hindi ka mag-isa." Sagot ni Albie.

"Tangina kasi ng tadhana! Bakit pa ba nya 'ko sinanay na kasama sya kung paghihiwalayin lang din naman nya kami." She said and wiped her tears.

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon