Prologue

9.1K 171 31
                                    

"Aalis ka pala?" Agad na tanong nya matapos nyang umupo ng maayos. Hindi na nagpadalos dalos pa.

'Diba ikaw naman ang naunang umalis? Umalis sa buhay ko.' She thought.

"Yes. Kaya ko rin nabanggit sayo dati na may plano akong ibenta yung shares ko dito. About that, hindi ko na pala itutuloy. Si Ate na muna ang bahala habang wala ako. Kaya na rin ako nakipagkita para naman may formality diba?" She answered.

She sighed and smiled sadly. "Bakit ka nga pala aalis?"

Ngumiti rin ito kasabay ng kakaibang kislap sa kanyang nga mata. She looks so proud and happy. "I'm going to study interior designing in New York."

"Wow!" He leaned closer to hold her hand. "Congrats! Alam ko namang pangarap mo yan dati pa."

"Oo nga eh. I remember we.." She was about to say something pero naisip nyang baka maling ituloy ito. Inilayo nya ang kanyang kamay.

"We almost broke up six years ago kasi you wanted to go to new york para mag-aral ng interior designing at maiiwan ako dito sa pilipinas. But.. you chose me over your dream kasi ayaw mo kong iwan."

Muli nyang nasilayan ang ngiti sa kanyang mga labi. "They say, when you can talk about your painful past na daw it means you're over it."

"Are you?" He asked.

She raised an eyebrow and laughed. "You?"

"Uhmm, so kailan ka aalis?" He changed the topic.

"Maybe three months from now? Not sure yet. May mga inaasikaso pa kasi ako dito."

'Pwede bang magmakaawa na wag ka na lang umalis?' He laughed at his own thought.

"Why are you laughing?"

"Wala."

"So okay ka naman dito diba? Naturo naman na siguro sayo ng staffs yung mga hindi mo pa alam?" She asked.

Damn, he'll surely miss hearing her sweet voice.

"Yes. Ikaw din naman nagturo sa akin dati. Sorry ah? Kung medyo busy ako sa work at ikaw lagi nag-aasikaso dito." He apologized.

"No, I understand. And besides, business naman talaga yung pinag-aralan ko so no worries."

"Okay."

"Okay."

"Ah, yeah."

Ngumiti sya at ngumiti rin pabalik ang kaharap nya. Sandali silang nagkatitigan at muling napangiiti.

He felt sorry. She felt free.

"So paano alis na 'ko."

"Wait.. Baka.."

"Baka?"

"Pwede ka bang sumama sa akin? Saglit lang. May kailangan lang akong ipakita sayo bago ka umalis."

"Ano yun?"

"Basta."

***

"Why are we here?" Tanong nya habang mabagal na naglalakad papasok.

"Gusto ko lang ipakita sayo 'to. Yung mga ideas mo noon, nilagay ko lahat dito. Kasi ikaw naman talaga dapat yung kasama kong titira dito diba?"

May naramdaman syang kirot sa bandang dibdib. Parang gusto na lamang nyang tumakbo palabas. Parang bumabalik lahat ng pinaghirapan nyang kalimutan.

Tumalikod sya sa kanya. "Hindi na dapat tayo pumunta dito."

"Ikaw yung kasama kong bumuo nito. Kaya lang kung kailan patapos na yung bahay saka tayo naghiwalay." Simpleng sabi nya habang kunwaring nag-aayos ng mga figurines sa taas ng grand piano.

"Okay na ko. Okay na." She almost whispered and turned to look at him. Pero ng tignan nya ito ay may luha ng namumuo sa kanyang mga mata.

"Kathryn, sorry. I'm sorry for making you feel like those ten years we've spent together is just a waste of time for me."

"Daniel, masaya na 'ko." She faked a laugh. Ang totoo pakiramdam nya ay babagsak na rin ang kanyang mga luha ng makita nya itong umiiyak.

He went near hear her and kissed her hands. "Kung pwede ko lang ibalik ang araw na iyon. Babawiin ko lahat ng sinabi ko at papatunayan kong walang totoo dun."

"Daniel, it's been.. more than a year, I guess? Tama na. Tapos na ako sa ganito. Tapos na 'ko sa lahat ng sakit."

"Ako, hindi pa tapos. Pakiramdam ko hindi na nga yata matatapos to."

Umiwas sya ng tingin ngunit hindi nya binawi ang kanyang nga kamay sa pagkahawak nya.

"Ang totoo nagsinungaling ako nang sinabi ko na masaya ako na masaya ka. Kahit 'yon lang naman ang gusto ko, masakit kasi alam kong hindi na ako yung dahilan "

Doon na bumuhos ang mga luhang matagal na nyang itinatago sa mga pekeng ngiti.

"For ten years, nasanay ako na nandyan ka. Aaminin ko, hirap na hirap ako nun ng maghiwalay tayo. Pagtawanan mo na 'ko pero hindi ko alam noon kung saan ako magsisimula. Kasi ikaw yung tagaayos ng buhay ko eh."

"Ang hirap pala ng wala ka. God knows, araw araw kong pinagsisisihan na pinakawalan kita. At sa tuwing nakikita kitang masaya, nanghihina ako kasi pakiramdam ko wala ng silbi yung buhay ko kasi nakabuo ka na rin ng buhay ng wala na ako."

Pinunasan nya ang kanyang mga luha at muling hinalikan ang mga kamay ni Kathryn.

"Nakikita kita na nagdedesisyon ng para sayo lang, wala nang ako. Nakikita kita na pumupunta kung saan saan ng walang pumipigil. Tuwing may kasama kang iba naiinis ako sa sarili ko kasi lagi kong iniisip kung iniisip mo rin ba ko kahit iba na yung kasama mo, ano kayang pinag-usapan nyo? Ano kayang ginagawa nyo? Nagugustuhan mo kaya sila? Nagseselos ako kasi yung mga kamay mong 'to, dati ako lang ang pwedeng humawak nito pero ngayon kahit titig lang parang bawal."

He looked at her and she looked back at him. And it felt like love, longing and regrets came to life as they stare at each other.

"Mahal pa rin kita. Mahal na mahal. Ikaw pa rin yung gusto kong tumira dito kasama ko."

"Mahal din naman kita pero aaminin ko din sayo.. I'm in a different kind of happiness now. Nahanap ko na yung pagkakataong mabuo yung sarili ko na hindi naibigay sa akin kasi nagmahal agad ako ng sobra sobra bago ko pa nahanap yung pagkakataong iyon."

"Let me love you again, I promise I won't take that chance away from you." Pagmamakaawa nya.

"Daniel, mahal kita pero okay na 'ko. Tanggap ko na."








--

To be continued..
--unedited sorry bigla lang talaga pumasok sa isip ko haha.

10.16.17 2:19PM

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon