Daniel's POV
Mabilis akong pumunta sa ospital nang malaman ko ang balitang naaksidente si Kathryn habang nagmamaneho. Agad naman akong tinawagan ng mama niya matapos din nilang mabalitaan ang nangyari. "Opo, dito na po ako sa Emergency Room." Sabi ko. "Tatawagan po kita ulit."
Takot na takot ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakita ko siya. I'm praying na hindi ganun ka-lala ang sitwasyon niya.
"Sir, dito po tayo sa trauma room." Sabi ng isang nursing assistant nang tinanong ko kung nasaan si Kathryn. "Hanggang dito lang po muna kayo."
Sarado ang kurtina sa parte na iyong ng Trauma room, mukhang may mga abalang nurses at doctor sa loob dahil naririnig ko ang mga boses nila.
"DJ.." Narinig kong dumating sina Arisse at iba pa naming mga kaibigan.
Halos hindi ko na marinig ang mga pinagsasabi nila. Nanghihina ako.
Pinunasan ko ang mga luha ko at tinawag siya. "Kathryn?" Hinawi ko ang kurtina.
"Sir, kayo po ba 'yung kasama ng pasyente? In a while, kakausapin po kayo ng doctor."
Nakita ko sya. Nakapikit. Walang malay. Punong puno ng sugat ang katawan.
"Kaano ano po kayo ng pasyente?" Tanong ng nurse. "Sir???"
Unti-unting bumukas ang mga mata ni Kathryn. Salamat at gising siya pero damang dama ko ang sakit na nararamdaman niya. Nakikita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya habang ginagamot siya.
"Kathryn.." Lumapit ako. Hindi ko siya mahawakan dahil kasalukuyang ginagamot ang mga sugat niya. "Nandito ako.."
Tumingin siya sa akin ng bahagya. Lalo siyang umiyak na parang takot na takot.
I can't even say anything. Parang natutulala ako. I don't know what just happened. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya sana panaginip lang ang lahat ng ito.
"Da..niel.." Mahina ang boses niya.
"I'm here.. hindi ako aalis." Hindi na nawala ang tingin ko sa kanya because I want her to feel na hindi ko na siya papabayaan at iiwan ulit.
They asked me a few questions at sinubukan din nilang tanungin si Kathryn kung kakilala niya ako.
"Girlfriend.." Sagot ko nang tanungin ako kung kaano-ano ko siya. "Nasa abroad yung buong family niya. Kami lang yung magkasama dito." Pagkatapos ay may pinapirmahan silang papeles sa akin at tinignan ang ID card ko.
Matapos nilang i-stabilize si Kathryn ay nilapitan ako ni Dr. Alvarez.
"She was conscious ng dumating sila dito. She even told the responders to call you nung tinanong daw nila kung meron silang pwedeng tawagan to accompany her dito sa ospital. But she was in pain.. wounds and broken bones."
"Ano pong mangyayari sa kanya?"
"May mga sugat siya na kinailangan tahiin. Her left leg needs surgery. Apektado din ang left hand niya. We have to stabilize her first, dadalhin natin siya sa kanyang room, we'll schedule her for OR after ng mga kakailanganing tests. After that, we'll refer you to Ortho Rehab, yun yung tutulong sa kanya para bumalik sa normal ang paglalakad niya pati na rin yung normal function ng left hand niya." Pinaliwanag din niya ang surgery na gagawin kay Kathryn pero hindi ko na masyadong naiintindihan iyon. "Right now, hinihintay ko na lang yung laboratory results niya, let's see kung kakailanganin niya ng blood transfusion since medyo maraming dugo ang nawala sa kanya. We'll check if there are other complications as well para ma-correct na rin natin prior to surgery. Hintayin na lang po ninyo yung nurse na i-update kayo regarding your room transfer. Okay?"

BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617