Chapter 37

4.9K 196 51
                                    

Isa siguro ito sa mga gabing napakaraming bituin sa langit. Maliwanag pa rin dahil sa liwanag ng buwan at napakalamig ng hangin. Mas masaya sanang titigan ang magandang langit sa gabi kapag may kasama ka.

Bitbit ni Daniel ang gitara at nags-strum na wala namang notang sinusundan. Walang kanta sa isip nya. Dinaramdam lamang nya ang dinadalang lungkot nang mapag-alaman nyang lumipat ng apartment si Kathryn. 'Wala na talaga ako sa buhay nya.'

Ngayon, pinagsisihan niyang tinalikuran agad nya ang liwanag sa sasandaling pagdaan ng makalulimlim na ulap. Gusto nyang kausapin ito. Gusto nyang humingi ng isa pang pagkakataon.

Pero tama pa ba o tama na?




**

"So paano ka natutong magluto?" Tanong ni Kathryn kay Jacob.

Matapos ang isang photoshoot na ginawa nya para sa isang magazine feature, sinundo sya ni Jacob para magdinner sa bahay nito kasama din ang kaibigan nyang si Trina.

"I don't know.. siguro kasi mahilig ako manood ng cooking videos online. Pero hilig ko talaga lutuin ay healthy foods, kailangan ko din kasi talagang natutunan para maituro ko din sa iba."

"Wait, is that dahon ng saging?" Trina asked.

"Yeah." Jacob answered while preparing the ingredients for his version of grilled fish. "I read kasi na hindi safe ang paggamit ng aluminum foil. And you know what, yung mga metals na ginagamit natin in cooking pag sobrang nainitan, unhealthy din. It's really important that we use our cookware wisely."

Natutuwa si Kathryn na tignan itong nagluluto at nagagawa pang magpaliwanag na parang siguradong sigurado sya sa mga gagawin nya.

"And studies have shown that regular exposure to metals can lead to Alzheimer's disease pero kailangan din naman ng body yung zinc, iron and copper pero in small amounts lang."

Napangiti lang si Kathryn.

"So am I at risk for Alzheimer's disease na din kasi everyday ako uminom ng water na dumadaan sa metal pipe??" Curious na tanong ni Trina na para bang nasa episode sya ng Salamat, Doc.

"Hindi naman. Hindi ko naman masasabi 'yan. Hindi pa din naman ganun katama at proven ang theory na iyon." Sagot ni Jacob at napatawa. "Pero when you drink water, hayaan mo muna lumabas yung water for ten minutes or more bago ka kumuha ng maiinom."

"Waw. So from cooking show naging Salamat Doc na tayo?" Biro ni Kathryn.

"Hindi naman." Tinawagan lang sya ni Jacob at sinubuan para matikman nya ang isa pa nitong niluluto.

"Oh my God, sobrang sarap."

"Really?"

"Oo nga. Nakuha mo 'yung gusto kong timpla."

"Wait, wait.." Pinunasan ni Jacob ang sauce na kumalat sa gilid ng labi ni Kathryn.

At hindi nila alam na kumuha pa lang ng video si Trina para sa kanyang instagram story. "Hello, welcome to Jacob's cooking show. Look, ang sweet naman nila.. Can't relate."

***

Magkatabi si Jacob at Kathryn habang kumakain ng hapunan at nasa harap naman si Trina na kinikilig tuwing pinagsisilbihan ni Jacob si Kathryn. Hindi intensyong mahawakan ni Jacob ang kamay nito habang nagkwekwentuhan matapos nilang kumain at hindi rin naman ito namalayan ni Kathryn kaya nanatili sila sa ganung posisyon.

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon