Isa na namang panibagong umaga palayo sa iyong paglisan at palapit sa iyong pagbabalik. Ramdam ko ang pagbati mo sa pagdungaw ng sikat ng araw sa aking bintana. Ang malaman kong nabubuhay tayo sa iisang mundo na may magkasalungat na oras ay sapat nang dahilan upang bumangon ng may ngiti. Sandali na lamang at magtatagpo na tayong muli. Hindi na ako makapaghintay na mahagkan ka at marinig ang iyong boses ng walang namamagitang dagat, gusali at mga taong paalis at pabalik. Hindi na kita pagmamasdan sa larawan, hindi na kita hahalikan sa hangin, hindi na kita ihihiling sa mga butuin. Ang ako ay magiging ikaw na rin.Sa pangalawang beses sa liham na ito, mahal na mahal kita.
10.16.17 2:19PM
BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617