Chapter 22

4.4K 176 68
                                    

Naglalakad si Daniel palabas ng opisina nang may nakasalubong syang kaibigan.

"Daniel, bro! Kamusta kana?"

Umarte syang natutuwa kahit na ang totoo ay gusto sana nyang iwasan ito.

"Uy, David, pare! Kamusta kana? Big time ah! Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ni Daniel.

"Last thursday lang din, bro. Bakasyon lang tapos alis na naman. I'm here to see your Dad."

"Talaga? New project?"

"Oo, after nung project sa Switzerland, may two years contract na ulit ako sa Singapore. Thanks to your Dad."

"Congrats bro! Well-deserved. Sige, mauna na ako. May meeting kasi ako sa kabilang department eh. See you around!" Tinapik ni Daniel ang balikat ni David at umalis na.

Hindi mapigilang manghinayang ni Daniel.

***

"Ano nga pala yung hinahanap mo?" Tanong ni Kathryn kay Dominic. "Yung sinisigaw mo kanina."

"Wala, kalokohan ko lang. Nagvovlog kasi ako na kunyare hinahanap ko yung 'the one' ko." Paliwanag nya. "Ikaw ba, nahanap mo na yung sayo?"

"Akala ko nahanap ko na."

"Oh.. Sounds interesting."

"Chismoso to ah." She thought.

"Broken hearted ka siguro no? Kaya ka nandito? Soul searching, mga ganun."

"Sobrang halata ba? Pangalawa ka nang nagsabi nyan." She told him.

"Kanina when I first saw you, mukha kang malungkot. Kaya ganito na lang.. Sasamahan kita, if that's okay with you, ako yung magiging photographer mo pero kailangan sa bawat picture nakangiti ka."

"Hirap naman."

"Hindi naman porket nakangiti ka, masaya ka na. Madali lang dayain ang ngiti."

"Sabagay."

Inilabas ni Duminic ang kanyang camera at itinutok kay Kathryn. He took a photo of her.

"Alam mo, nakakagaan ng loob ang sumigaw. Try it."

"Baka mabulabog yung mga ibon."

"Ano ka ba! Walang magbabawal sayo dito."

"Okay." Ipinikit ni Kathryn ang kanyang mga mata at huminga ng malalim.

"MAHAL PA RIN KITAAAAA!"

***

"Nagkasalubong daw kayo ni David kanina? He told me." Sabi ng Papa ni Daniel nang silang dalawa na lang ang naiwan sa boardroom.

"Yeah."

"He signed another contract kanina. Sa Singapore naman ngayon ang next project nya. Grabe, ang bilis lang matapos ng three years nyang contract sa Switzerland----"

"Alam ko na ang gusto mong sabihin, Pa." Pagputol nya sa sasabihin nito.

At paano nya makakalimutan ang pagkakataong 'yon?

"Anak, you're Papa told me na hindi mo daw tinanggap yung project sa Switzerland?" Nag-aalang tanong ng Mama nya. "Nak, pinag-isipan mo na bang mabuti iyon?"

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon