Chapter 45

4.6K 149 149
                                    

Villa Georgina Beach Resort, La Union
Day 1

Tinanggihan ni Kathryn ang offer ni Daniel na sabay na lang silang pumunta sa isla kung saan gaganapin ang kasal ni Marlann eksaktong dalawang linggo mula sa unang araw nila doon. Pagkatapos naman nun ay magsestay pa sila  ng ilan pang araw. Ngunit kahit tinanggihan ni Kathryn, naging dahilan pa rin ito para makaisip si Daniel ng mas magandang paraan para kahit paano ay makapiling pa rin nya si Kathryn bago ito umalis.

"Hay nako, ako mapapahamak dito eh." Reklamo ni Marlann habang magkakausap silang magkakaibigan maliban kay Kathryn.

"Look, mukhang kailangan din naman nila 'to. Para kasing naguguluhan pa rin sila pareho sa mga nararamdaman nila. Let them spend time together. Malay mo naman.." Pamimilit din ni Bryan sa mapapangasawa.

"Totoo, makakatulong sa kanila 'to." Dagdag pa ni Marco.

"Promise, hindi ko kayo bibiguin." Paninigurado ni Daniel. "Kailangan lang talaga namin ng oras.. ng chance na magkasama ulit. Baka ito yung maging paraan para narealize namin pareho kung anong makakabuti sa aming dalawa."

Napaisip si Marlann. "Basta last na 'to ha. Kung hindi na talaga, hayaan mo na sya. 'Wag nang pilitin pa."

"What??" Agad na umalma ang ibang girls. "No.."

"Magagalit satin si Kathryn." Sabi pa ni Arisse.

"Ako, handa akong tanggapin ang galit nya kung ito naman 'yung way para mas lalo nyang maintindihan 'yung feelings nya." Sagot naman ni Marco.

"Sorry, ha? Inabala ko pa kayo eh. Pero lahat kasi gagawin ko.. bago pa 'ko maubusan ng oras."

Nagkatinginan silang magkakaibigan. "Lahat gagawin mo?" Tanong ni Marlann.

Tumango si Daniel.

***

Day 3

Naghahalo na ang dilim at liwanag ngunit patuloy pa rin sya sa paglalakad sa dalampasigan habang pinapakinggan ang tunog ng paghampas ng mga alon. Tila nalulungkot din ang lamig ng hangin at para bang gusto sya nitong yakapin. Bumibigat na naman kasi ang kanyang pakiramdam at dito nya naisipang magsumbong.

Himala at hindi na sya umiiyak pero.. "Tahan na, Kathryn.", mahinang nyang sabi.

Minsan, mapapangiti ka, aayusin mo ang nagusot mong damit pagkatapos ng malalim na paghinga at masasabing tapos na, malaya ka na.

Tapos biglang maiisip mo na mali. Hindi pa.
Hindi pa pala talaga. Hindi naman talaga.

Inalala nya ang pinag-usapan nila ng kanyang mga kaibigan kagabi at napaisip sya. Paano kung tama sila?

--

Pangalawang gabi ng magkakaibigan sa resort at nagkekwentuhan lang sila habang kumakain samantalang nasa labas si Daniel na parang may pinagkakaabalahan kasama si Bryan at Marco.

Lalo namang naguluhan ang mananahimik na sanang damdamin ni Kathryn sa mga pinapakita ni Daniel sa kanya. Todo alaga ito sa kanya mula sa pagbuhat ng mga gamit hanggang sa pagpapaalala ng pagkain. Kung sya lang ang masusunod ay gusto na lang nyang umiwas at tumigil na si Daniel sa kung anumang balak nito ngunit imposible iyon sa sitwasyon ngayon. Ayaw naman nyang magulo ang mga plano ni Marlann dahil lang sa kanila ni Daniel.

"Ikaw lang naman makakasagot nyan eh. Kung 'di mo kaya, kung naguguluhan ka pa, hayaan mong tulungan ka nya." Payo sa kanya ng kaibigan.

"Tulungan? Paanong tutulungan eh sa tuwing nakikita ko sya lalo akong naguguluhan eh."

"Obvious naman kasi na mahal nyo pa ang isa't isa. Bakit nyo pa papahirapan mga sarili nyo? Handa naman syang gawin lahat para bigyan mo ulit sya ng chance. Bakit 'di mo subukan?" Tanong ni Patrick.

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon