Chapter 33

4.1K 161 26
                                    

Ito na ang panibagong simula sa buhay ni Kathryn. Umuwi sya sa Pilipinas ng mag-isa at pinili nang hindi magpasundo pa sa mga kaibigan. Dala-dala ang kanyang mga bagahe ay sumakay sya ng taxi direcho sa apartment na lilipatan. Inasikaso na ito ng mga kaibigan nya habang nasa ibang bansa pa sya at ang napili nilang lilipatan ni Kathryn ay ang bakanteng apartment malapit sa bahay ni Arisse.

"Dami mong bagahe." Reklamo ni Pamu habang tinutulungan ang kaibigan sa pagpasok ng mga maleta.

"Mas magaan na 'to ngayon, Pamu." Sagot ni Kathryn at ngumiti.

"Sure na ba 'yan?" Pang-aasar ni Arisse. "Wala nang magyayaya uminom at umiyak?"

"Baka magbreakdown ka na naman sa harap namin, giiirl, sinasabi ko sa'yo, itatakwil ka na namin." Dagdag pa ni Trina. "Just kidding."

"Ewan ko sa inyo. Okay na nga ako. Hindi pa tapos pero nakapagsimula na ako."

"Okay, fine." Nginitian sya ni Pamu na parang nang-aasar. "Basta the day after tomorrow ha, papasukat tayo ng gown para sa kasal ni Marlann. Sabay sabay na lang tayo umalis kasi 'di ko alam kung saan 'yon eh."

"Saan daw ba?"

"Sa shop ng kaibigang designer ng mommy ni Bryan. May mga gowns na rin silang nagawa na baka daw gusto nating isukat." Sagot ni Pamu kay Kathryn habang tinitignan ang mga pasalubong ni Kathryn. "Girl, ang bongga nito ha."

"Oo naman. Suotin mo yung lingerie ha, baka sakaling magkajowa ka na." Biro ni Kathryn. "Uy, thank you nga pala sa pag-asikaso nitong apartment for me."

"Nooo, thank you at natauhan ka na."

***

"Bro, remind ko lang, sa wednesday tayo magpapasukat ng suit para sa kasal ni Bryan." Paalala ni Patrick kay Daniel sa kanilang groupchat. "Baka MIA ka na naman."

"Oo, pupunta ako. Magrereport lang ako sa office."

"Orayt. See you. Pagwapo ka, nandun si ex."

"Ha?"

"Syempre magpapasukat din sila ng gown. Kakauwi lang nya diba?"

Bigla na lang nakaramdam ng kaba si Daniel sa nabasa. Magkikita ulit kami? Shit.

***

WEDNESDAY. Sumakay sa iisang van sina Kathryn at ang kanyang mga kaibigan maliban kay Daniel habang si Bryan naman ang nagdrive. Hindi naman gaanong malayo ang shop na ito ngunit hindi pa masyadong kilala kaya wala ni isa sa kanila ang makakaalam ng lugar. Binigyan naman ni Bryan si Daniel ng direksyon papunta dito dahil dumaan pa ito sa kanilang opisina. Pagdating nila doon ay nauna na ang ibang mga abay sa kasal na tapos nang magpasukat.

"Ahmm, Kath sya nga pala si Jacob, he's my cousin, sya ang magiging partner mo sa processional. This is Kathryn naman, she's my bestfriend." Pagpapakilala ni Marlann sa kanila.

Ngumiti sa kanya si Jacob at nakipagkamustahan. "Hi, Kath."

"Ah, hi.." Bati din ni Kathryn sa kanya. "Nice to meet you."

"Ah, maiwan ko na muna kayo ha." Marlann excused herself bago pumunta kay Bryan.

"Hmm, okay lang naman sayo na ako 'yung partner mo no?"

"Ha? Oo naman." Napatawa si Kathryn.

"Ah, nakikita kita minsan sa mga pictures na pinopost ni Marlann sa instagram. You're a photographer, right? Ang galing mo naman."

"Hindi naman but thank you."

"Tapos you own a restobar din?"

"Uhm, co-owner lang ako."

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon