Chapter 24

4.2K 172 81
                                    

KATHRYN

El Nido, Palawan

Pinapanood ko sila habang nagpeprepare para sa unang set up ng prenup shoot nina Bryan at Marlan. Si Arisse sa hair and makeup, si Pamu sa outfits, sina Trina at mga boys naman sa location.

"And we're ready!" Sigaw nila.

Lumabas na ang bride at groom suot ang damit na bagay na bagay sa aming location. Naginstruct ako ng mga poses habang kumukuha ng videos and photos sa tulong na rin ni Trina. Sina Patrick at Marco naman ang humahawak ng reflector.

"Okay.. Last na muna before we take a break.." Sabi ko sa kanila.

Pagkatapos nun ay bumalik ako sa tent namin at tinignan ang mga nakuhang litrato.

Bakit ang sakit? Bakit ang lungkot? Masama ba akong kaibigan kung makaramdam ako ng konting inggit? Kasi ganito rin sana kami eh. Masaya pa rin sana kami.

I looked at them na ineenjoy ang view. Pero ang pinakanakakuha ng atensyon ko ay si Daniel. Naglalakad sya sa tabing dagat na nakapaa.

Kinuhanan ko sya ng litrato at napangiti. Gustong gusto nya kasi ang pakiramdam na umaapak sa buhangin habang mahinang hinahampas ng alon ang mga paa nya.

~

"Love.. I'll take a picture of you ha? Stay ka lang dyan tapos kunyare stolen." I said and giggled. "You're so gwapo!"

Napatawa sya at kinurot ako sa pisngi bago hinalikan. "Crush mo naman ako no?"

"Feeler!"

"Ako naman magpipicture sayo, love." Kinuha nya sa akin ang camera at lumayo. "Smile.."

And I smiled at him.

"Love, sabi ko smile ka lang hindi ko sinabing buohin mo yung araw ko." Sabi nya sa akin at napatawa.

"Yuck! Ang corny corny mo!" Tinawanan ko lang sya at inirapan.

"Gusto mo din eh!" Tukso nya. "Look.. Ang ganda ganda mo dito. Proud ako sayo!"

"Proud din ako sayo kasi first time mong kumuha ng matinong picture!"

"Hindi naman kasi ako kasing galing mong kumuha ng mga pictures.. Pero alam mo.. ikaw lang ang favorite photography subject ko."

Life After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon