Lahat tayo ay nasa isang paglalakbay. Minsan dinadala tayo ng buhay sa taas, minsan hinihila tayo pababa at minsan dinadala tayo sa gitna ng dalawang magkasalungat na emosyon, sa gitna ng puso at isip, sa gitna ng pagmamahal at galit. Madalas kakailanganin nating timbangin ang halaga para piliin ang mas nararapat at isantabi ang hindi.
"Dito ka na lang muna, ate. Please.." Pakiusap ni Magui kay Kathryn.
"Oo nga, dito ka na lang magdinner. Miss ka na namin ni Ate." Sinundan naman ito ni Carmella.
"Sige na, Kath. Nagpadeliver na ako ng dinner natin dito. Nakakamiss din itong bonding natin." Dagdag pa ni Karla na tinutulungan si JC na maglagay ng upuan malapit sa kinahihigaan ni Daniel.
Napangiti sya at bahagyang napatingin kay Daniel na nakatingin din sa kanya at agad na umiwas.
Paano ba 'to?
Paano ko ba sila mahihindian?
Paano ka ba masasabi na nahihirapan akong makasama sya sa iisang lugar?
Paano ko ba sasabihin na nahihirapan akong magpanggap na lahat ay katulad pa rin ng dati?
"Sige po." Tumango si Kathryn at lihim naman na napangiti si Daniel.
"Yey! Alam ko talaga na you can't say no to us eh." Masayang sabi sa kanya ni Carmella.
Kahit may galit pa ito sa puso nya ay nangingibabaw pa rin ang pagpapahalaga nya sa pagmamahal na binigay ng pamilya nito sa kanya.
"Syempre, malakas kayo sa akin." Biro din sa kanila ni Kathryn.
***
Naging masaya ang kanilang dinner sa hospital. Kahit nasa ibang bansa ang pamilya ni Kathryn, pakiramdam nya ay may pamilya pa rin sya dito sa Pilipinas dahil sa mainit pa rin nilang pagtanggap sa kanya sa kabila ng lahat. Napuno naman ng tawanan at biruan ang kwarto matapos nilang magsalo-salo ngunit hindi pa rin nawawala sa kanyang isip na ang relasyon nila ni Daniel ay nagbago na.
Sa gitna ng kanilang masayang pag-uusap ay biglang tumunog ang phone ni Kathryn.
"Hello?" Sagot nya sa tawag at lumabas muna ng kwarto. "Dr. Rivier----"
"Jacob." Pagtatama ng kanyang kausap sa kanya. "Marlann told me na nasa St. Claire ka daw? Madadaanan ko din 'yan on the way home eh, sunduin kita?"
Wow, close na tayo agad?
"Ahm, 'wag na. Sasabay din kasi ako sa mga kasama ko dito eh. Okay lang ako. Thank you."
"Are you sure?"
''Yes..''
Napangiti si Jacob na para bang personal nyang nakakausap si Kathryn. "Actually, gusto sana kitang yayain mag-dinner.."
"Oh.. Sorry ha, nagdinner na kasi ako eh. Next time na lang?"
"Sure, no problem. Marami pa naman tayong next time. Ingat ka na lang pauwi."
"Ikaw din.. ingat ka pauwi. Drive safely."
Medyo hindi sya sanay doon dahil ang huling dalawang salitang sinabi nya kay Jacob ay ang linya nya sa tuwing magmamaneho si Daniel pauwi.
***
Sino 'yung kausap mo? Bakit kailangan mo pang lumabas? Gusto sanang itanong ni Daniel pero alam naman nyang wala na syang karapatan na gawin ito.
BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617