Kathryn's POV
After almost a couple of weeks sa hospital ay pinayagan na rin akong umuwi ng mga doktor ko pero kailangan ko pa ding magcomply sa physical therapy treatments ko para tuluyan nang bumalik sa normal functioning ang left leg ko. Si Daniel ang nag-asikaso ng pagdidischarge ko sa ospital para makauwi na kami at ngayon ay hinihintay na lang namin ang nurse para sa mga take home medicines at instructions.
"Thank you, Nurse!" Pagpapasalamat ko after niyang mag-explain ng mga iinumin kong gamot.
Isinakay nila ako sa wheelchair habang tinutulak ito ng orderly personnel at bitbit naman ni Daniel ang ibang bagahe namin. Dumaan muna kami saglit sa nurses station para magpasalamat sa mga staff na nag-alaga sa akin.
"Thank you, guys. Sabihan niyo ako kung gusto niyong bumisita sa Restobar ha." Pag-imbita ko sa kanila bago kami tuluyang umalis.
"Kumportable ka ba, love?" Daniel asked for the tenth time today. Lagi siyang magtatanong kung okay ako to the point na minsan tinatamad na akong sumagot.
"Yes." Nagtaka ako kung bakit parang ibang route ang dinadrive niya. "Where are we going? Parang 'di naman dito yung way pauwi sa apartment ko."
"Hindi naman tayo dun eh. Ang layo kaya ng apartment mo. Mas efficient 'pag malapit tayo sa hospital for your physiotherapy treatment sessions since we have a house naman dito."
"We have a house? What? You mean doon tayo sa house mo?" Inulit ko pa dahil naguhuluhan ako sa sinabi niya.
"Our house, love."
Dapat bang nagrereklamo? Dapat ba sabihin kong ayaw ko? Dapat ba pigilan ko yung sarili ko na maging kumportable kasama siya?
**
In 20 minutes ay nakarating na kami sa bahay niya. Sabi niya ibababa daw muna niya ang mga gamit bago ako alalayan papasok dahil meron daw siyang ipapakita sa akin.
"Love, close your eyes na kasi." Pilit niya akong pinapapikit kahit ilang beses ko nang sinabi na ayaw ko.
"Pwede ba bilisan na natin. Tulungan mo na akong pumasok. Makikita ko din naman 'yan mamaya eh."
"Sige na, please?" Hindi talaga titigil.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para matapos na at makapagpahinga na kami. Inalalayan niya akong maglakad dahil medyo hirap pa ako. Ayoko din kasing magwheelchair kasi feeling ko mas lalo lang akong hindi gagaling so I opted for crutches na lang kapag kailangan kung tumayo pero walang mag-aalalay sa akin.
"Okay.. are you ready? One, two, three.." I opened my eyes at bumungad sa akin ang mga litrato namin sa isang photo wall malapit sa living room.
"Welcome home, my love." Sabi niya at hinalikan ako sa noo. "Sorry, hindi pa talaga tapos lahat pero yung kwarto dito sa baba pinaayos ko na. Yung kwarto natin nasa taas talaga pero sa ngayon dito muna para 'di ka mahirapan umakyat." Excited na sabi pa niya. "Konti na lang 'to, love."
Ano ba 'tong ginagawa ko? Am I getting his hopes up or unti-unti na namang bumibigay ang puso ko?
Why am I okay with this? Why do I feel so secured and comfortable? Hindi ba dapat galit pa rin ako?
"Alam mo ba na sa dami ng memories natin hindi na nagkasya lahat diyan but it's okay marami pa namang space sa ibang part nitong house natin. I'll let you choose your favorite memory of us sa susunod. At saka gagawa pa naman tayo ng marami pa."
There's a "welcome home" set-up dito sa living room and I don't know how to react. Bigla kong naalala ang College Acceptance Letter na natanggap sa isang university sa New York na hindi ko pa kino-confirm hanggang sa ngayon. Buo na sa isip ko noon ang pag-alis within this year at hindi ko na inisip kung paano ko ipapaliwanag kay Daniel dahil buong akala ko ay hindi na rin naman kailangan pa.

BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617