"Pagmamahal"
Paano ba ang magmahal?
Palagi bang nasasaktan?
Isa,dalawa,tatlo.Di ko na mabilang kung ilan,
Ilang beses kitang nakitang umiyak,
Bakit nga ba?
Bakit pumapatak ang iyong mga luha,
Sa babaeng hindi ka naman gusto?Ganyan ba talaga ang epekto?
Iyan ba ang pagmamahal na sinasabi mo?Hinahayaan mong makitang masaya siya,
Ngunit sa piling pa ng iba.
Hinihintay mo siya?
Ngunit may hinihintay ka pa nga ba?Nasasaktan akong nakikitang umiiyak ka,
Bakit nga ba iyong iniinda?
Andito naman ako ngunit nasa iba ang atensyon mo.Oo nga pala iba ang mahal mo at hindi iyon ako,
Hindi ko masabi sa'yo na ikaw yung taong gusto ko,
Kase habang ginugusto kita,
May minamahal ka namang iba.Ito nga siguro ang pagmamahal,
Hahayaan mo siyang sumaya,
Kahit na nasasaktan ka,
Kasi nga mahal mo siya.Facebook: Princess Mejico

BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoesiaPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023