"Nakaraan"
Hindi dahil nakaraan,
ay dapat nang kalimutan,
Isa ka sa naging dahilan
sa kung ano ako ngayon sa kasalukuyan.
Dahil sa'yong panloloko,
Ako ay natuto,
Ikaw ay mananatiling alaala,
Sapat na akong Ikaw ay aking nakilala.
Salamt at dumating ka,
Natuto akong makuntento,
Pagpapatawad ay binigay ko,
Pagmamahal ang ibinahagi ko.
Isa lang ang ibig ko,
Maging masaya ka at makuntento,
Dahil lahat ng ito,
May dalang aral at kwento sa buhay mo.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoesíaPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
