64 : SIYA

14 1 0
                                        





"SIYA"

Sa tulang aking ginagawa,
Siya palagi ang aking paksa,
Hindi man kami nagtutugma,
Mananatili ang aking paghanga.

Siya ang inspirasyon,
Sa aking bawat imahinasyon,
Siya ang nais kong destinasyon,
Sa tula siya ay naroon.

Hindi man ngayon,
Ngunit sa tamang panahon,
Nawa ay makuha ko ang kanyang atensyon,
Hinihiling na sana'y bigyan ng pagkakataon.

Sa tahimik kong mundo,
Nakilala ko siya at pinaingay ito,
Hindi ko alam kung bakit,
Bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing siya'y lumalapit.

Siya ang panibagong araw,
Puso ko'y siya ang isinisigaw,
Huwag sanang bumitaw,
Sa atensyon niya ako'y uhaw na uhaw.






Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon