63 : SIRANG PAMILYA

30 1 0
                                    




"SIRANG PAMILYA"

Kirot at pighati,
Ang puso ko ay nagdadalamhati,
Kailan kaya mararanasan,
Ang tunay na kasiyahan.

Binalot ng poot,
Mundo ko'y naging masalimuot,
Bakit pa dito humantong,
Hindi ko inaasahang sitwasyon.

Pamilyang ninais kong masaya,
Hindi ko magawang pagsamahin pa,
Aking sirang pamilya,
Muling hinihiling kong mabuo pa.

Kailan kaya madarama,
Ang saya ng buong pamilya,
Inggit ang sa puso ko'y dama,
Sana lahat buo ang pamilya.

Luha ay naglandas,
'Di ko namalayang sa mata ko'y nakatakas,
Nawawalan na'ko ng lakas,
Problema ko kailan kaya magwawakas .

Ninais kong muling mabuo,
Ngunit kanilang winawasak ito,
Marahil ay hanggang dito na lang,
Pagsasamahan ay hindi na madaragdagan.

Tatanggapin na lang,
Masakit man ang katotohanan,
Pamilyang dati ay kumpleto,
Hindi na muling mabubuo.







Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon