"Pangakong Napako"
Bakit ka pa nangako,
Kung ito ay mapapako?
Sabi mo pa ay tutuparin mo,
Ngunit parang bulang naglaho.
Ibig mo pa akong pasayahin,
Sa mga mabulaklak mong salitain.
Wala ka ring pinagkaiba sa kanila,
Mga lalaking sa una lang magaling.
Mabuti ngang hindi ko ibinigay lahat sa iyo,
Pagkat ako din ay sasaktan mo.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PuisiPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
