"Hindi Kayang Panindigan"
Gusto mo'ko ngunit iba ang mahal mo,
Masaya ka sa piling ko,
Siya naman pala ang nais mo,
Hinahawakan mo ang kamay ko,
Nananatili ka sa tabi ko,
Napipilitan ka lang pala ginoo.
Kasinungalingan pala ang ipinakita mo,
Naniwala pa na ako ang mahal mo,
Iba pala ang nakaukit sa puso mo.
Siya ang mahal mo,
Ngunit bakit sinasaktan mo ako,
Iba ang gusto at mahal mo?
Napakabisa mong manloko,
Mga babae ay totoo,
Ngunit Ikaw naman itong nagloloko.
Lalaki ngunit mahusay manakit ng babae,
Matapos ligawan ako'y iyong sinaktan,
Paasa di mo rin pala kayang panindigan.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoetryPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
