70 : Mahal,Kaya Naman Pala

6 0 0
                                        


"MAHAL,KAYA NAMAN PALA"

Pagsasamahan nating dalawa,
Hindi na nagtagal pa,
Sa pagkakahawak ko'y bumitaw ka,
Iba na ba ang sa'yo ay nagpapasaya?

Nabalitaan ko iba na ang minamahal mo,
Binibining mahal ko,
Bakit mo nagawa ito?
Minahal kita ngunit pinagpalit mo ako.

Hindi pa ba ako sapat,
Hindi na ba ako ang nararapat,
Sa iba mo hinanap,
Bakit hindi mo ako matanggap?

Mahal,kaya naman pala,
Iba ang galaw mo sa tuwing ako'y kasama,
Kaya naman pala,
Pagkat mahal mo ay iba na.

Bakit hindi ka nakuntento,
Ako lang ay pinaikot mo,
Inakala kong ako lang ng mahal mo,
Mali naman pala ako.

Ngayon ay pinapalaya na kita,
Minahal mo man ay iba habang minamahal kita,
Ipinapaubaya na kita sa kanya,
Titiisin ko na lang ang sakit na nadarama.

Malilimutan din kita.
Ngayon ay parte ka ng aking nakaraan,
Ika'y hindi na muling babalikan,
Pagod na ako sa iyong kalokohan.






Habang ako ang kasama mo,
Nasa isip mo naman ay ibang ginoo,
Ginawa ko naman ang lahat,
Ngunit sa'yo ay hindi pa sumasapat.

Ginawang dahilan ang ating pag-aawayan,
Ano ba ang nagawa kong kasalanan?
Pinaniwala mo ako sa kasinungalingan,
Hindi nagtagal ang ating pagsasamahan.

Marahil ay hindi nga talaga ako,
Ginawa mo lang panakip butas mo,
Siguro nga ay dumating ka lang,
Para magbigay aral sa buhay ko.




Hidden LettersMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon