55 : Nasa Diyos

3 0 0
                                        



Hindi ko alam kung sino ang lalapitan,
Sa mga panahong ako ay nasa kagipitan.

Lumapit pa ako sa iba,
Sinabi ko pa sa kanila ang problema.

Mali pala na sa kanila ako pumunta,
Hindi nila nasolusyunan ang problema kong dala.

Bakit ko pa ginawa?
Bakit hinanap ko pa sa iba?

Nasa piling mo lang pala,
Kalinga mo,Oh Diyos ang kailangan ko.

Sa mga problema na meron ako'y aahon,
Basta't sa'yo ang aking destinasyon.

Mali pala,na iba ang aking inuna,
Nasa Diyos ang tunay na saya.

Sa mga problema at aking hinaing,
Walang ibang pwedeng gawin kundi manalangin.

Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon