62 : Napaibig sa taong malabong maging akin

9 1 0
                                        





"NAPAIBIG SA TAONG MALABONG
MAGING AKIN"

Hindi ko namalayan,
Unti-unti na akong nasasaktan,
Ako ay namangha at napaibig,
Kay saklap ngunit malabong maging akin.

Nahuli pala ako nang dating,
Mayroon na siyang bagong kapiling,
Siya ay aking hiniling,
Ngunit sa iba dumating.

Ngiti ay napawi sa aking labi,
Lungkot ay aking ikinubli,
Lihim na paghanga sa aking tinatangi,
Mananatili ang paghanga hindi man siya maging akin.

Napaibig sa taong malabong mapasakin,
Hinintay ko ngunit sa iba napunta,
Minahal ko ngunit sa iba sumaya,
Hindi napasakin ngunit pagpapaubaya ang dapat gawin.

Marahil kami'y pinagtagpo,
Hindi tinadhana at pinaglayo,
Sa iba na siya napunta,
Hindi na dapat pang umasa.

Hihilingin na lang na siya'y sumaya,
Hindi man ako ang nasa tabi niya,
Malabong maging sa akin,
Pagmamahal ay ibubulong na lang sa hangin.


Hidden LettersMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon