53 : ISTRANGHERO

8 0 0
                                        

I dedicate this poem to this guy that I met in rpw also known as role play world.I met him unexpectedly,when I don't have anyone beside me,he was there for me to listen and give advice to my rants.Hi,Yohan Ryuichi.



"ISTRANGHERO"
by:Princess Mejico

Isa siyang istranghero,
Nakilala ko sa pekeng mundo,
Hindi ko inaasahan na dumating sa buhay ko.

Sa mundong hindi totoo,
Siya ang nag-iisang nakinig sa problema ko,
Siya ang naging sandalan,
Sa panahong nais ko ng makakapitan.

Istranghero ngunit maginoo,
Sa hindi inaasahang pagkakataon,
Tinulungan niya akong makaahon.

Dumadating ang panahong nais kong sumuko,
Ngunit nariyan siya para alalayan ako,
Kaibigan na bagama't hindi ko kilala,
Nanatili sa buhay ko at binigyan akong halaga.

Sa istranghero na tulad niya,
Hindi na nag-atubili pa na sabihin ang problema,
Hindi siya nanghusga tulad ng iba,
Nanatili sa tabi ko at di ako iniwan tulad nila.

Sa isang istranghero,
Natagpuan ang kalinga,
Kaibigan na hindi ko inaasahan.
Taong hindi ko malilimutan.

Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon