60 : Ngiti

11 0 0
                                        

"Ngiti"

Iisang salita,
Limang letra,
Ibigay mo lang sa akin
Ako'y nahuhulog na.

Ngiti mo'y nakakatunaw,
Pananabik ko'y nais kong isigaw,
Paghanga kong nag-uumapaw,
Paano kaya maisisigaw.

Sa ngiti mong kay tamis,
Lungkot ko'y iyong inaalis,
Ngiting sa akin ay nagdala,
Makita lang ay sapat na.

Kay tamis tulad ng pulot,
Iba sa akin ang iyong dulot,
Sing pula ng rosas sa hardin,
Hinihiling sa mga bituin na ikaw ay mapasakin.






Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon