"UNO BASAGULERO"
Lalaking tambay sa kanto,
Walang ginawa kundi manloko,
Kailan kaya siya matututo?
Binansagang "Uno Basagulero".Maraming babae ang nababaliw dito,
Marahil ay nadadala sa pagpapacutw nito,
Sa kanyang gwapo ay nahihipnotismo,
Nakakabaliw ang mga ngiti nito.Lalaking nakuha ang atensyon ko,
Hindi ko inaasahang pagkakataon,
Tumatak sa aking utak at imahinasyon,
Siya ngayon ang aking destinasyon.Ngiti sa labi ay naglalakbay,
Hinihiling siya sa akin ang nakaakbay,
Ngiti nyang sa bawat isa ay nakakalunod,
Sa live niya laging nais kong mapanood.Ginoong bago kong inspirasyon,
Sa paggawa ng tula ay siya ang aking paksa,
Sa unang pahina ay siya ang makikita,
Sisimulan ko na ang bagong istorya.Uno basagulero,
Siya ang gumulo,
Sa tahimik kong mundo,
Ginoong nakakuha ng atensyon ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/336094532-288-k588150.jpg)
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoezjaPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023