"INA"
Ina,kailan mo kami ipaglalaban?
Kami na ba ay iyong sinukuan?
Sa ibang lalaki ika'y sumama,
Hindi pa ba sapat kami na iyong pamilya?
Ina, sa'yo ako'y nangungulila,
Maari bang bumalik ka na,
Bakit mas pinili mo pa ang iba?
Pwede bang kami naman muna?
Matatawag na lang sigurong 'dati',
Dati lang ay kami,
Ngayon ay may bago ka nang priority,
Iba na at hindi na kami.
Siguro sila sa'yo ay nakakapagpasaya,
Marahil ay huwag na akong umasa,
Sirang pamilya ay mabubuo na,
Kay lungkot ngunit hindi na.
Mga kapatid ko'y handa ng palayain ka,
Ako'y wala nang magagawa,
Bakit ipaglalaban ko pa?
Ikaw nga itong bumitaw na.
Kung diyan ka masaya,
Ina, susuportahan kita,
Sa iba ka man lumigaya,
Hahayaan na lang kita.
Nasira nating pamilya,
Hindi ko na nanaising bumalik pa,
Piliin ko pang ika'y maging masaya,
Kahit kami ay nasasaktan mo na.
Ina,maging masaya ka,
Hindi man kami ang iyong kasama,
Nasa bago mo mang pamilya,
Ikaw ay papalayain na.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoetryPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
