97 : 100 PAHINA (PART 2)

4 0 0
                                        




"100 PAHINA"

Dumating na sa ikalimang pahina,
Nagkaroon ako ng pagod sinta,
Ewan ko bakit nga ba?
Sa'yo ko lang nadama ang aking pahinga.

Humakbang sa pang-anim na,
Hindi na'ko lumingon sa iba,
Sa'yo ako'y nahuhumaling sinta,
Nahihipnotismo sa iyong ganda.

Ika-pito ay hindi ako huminto,
Ipinagpatuloy ang paghanga sa iyo,
Umaasang may pag-asa din ako,
Hihintaying magkaroon ng ikaw at ako.

Sa pang-walo, doon ko napagtanto,
Maraming umaaligid sa'yo,
Hindi na'ko nag-atubili,
Hindi na ninais mong mapili.




Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon