"HULING ARAW NG AKING GURO"
Sa huling araw mo dito,
Nais ko lang sabihin ito,
Masayang ikaw ang aking guro,
Salamat sa inyong pagtuturo.
Baunin mo ma'am ang alaala,
Nabuo nating lahat na magkakasama,
Mag-ingat ka saan ka man magpunta,
Sana'y aming makasama ka pa.
Patawad at salamat,
Sa tiyaga na inyong iginawad,
Hindi man kami karapat-dapat,
Sa gulo ay hindi man maawat.
Kami ay nagpapasalamat,
Ikaw sa amin ay sapat,
Kaming lahat ay masaya,
Sa kalungkutan at kasiyahan ika'y nakasama.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoetryPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
