78 : NABIGHANI SA KAPWA KO BABAE

4 0 0
                                        









"NABIGHANI SA KAPWA KO BABAE"

Hindi ko inaasahan,
Ano ba itong nararamdaman,
Sa kapwa ko babae,
Ako ay nabibighani.

Kanya kayang mapapansin?
Sa kanya ako'y may lihim na pagtingin,
Napakirit na dalaga,
Ako kaya ay may pag-asa?

Nakuha mo ang aking atensyon,
Mamahalin kita simula ngayon,
Hindi man ako lalaki,
Katulad mo man akong babae.

Ika'y aking pasasayahin,
Hindi kita palulungkutin,
Ika'y hindi ko sasaktan,
Ni magawang iwan ka man.

Sa'yo ay kuntento na ako,
Para sa'yo ay gagawin Kong magbago,
Ikaw ang tumanggap sa babaeng tulad ko,
Binibining,mahal na mahal ko.





Hidden LettersMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon