"Dalawang Mukha"
Iisang tao ngunit dalawa ang pagkatao,
Mabait tuwing kausap,
Kapag tumalikod grabe kung makairap.
Lalapitan kapag ikaw ay kailangan,
Walang magawa kundi magbait-baitan,
Tinago ang kagaspangan para makuha ang pangangailangan.
Nasa tunay tayong mundo,
Ngunit kaibigan mo ay hindi totoo,
Ngumingiti siya sa'yo,
Iba pala ang motibo.
Napakabait pa kapag siya ang kaharap mo,
May masama na palang balak sa'yo,
Huwag kang magtiwala kung kani-kanino,
Di mo namamalayan winawasak ka na pala nito.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PuisiPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
