Ako'y nahulog sa kapwa ko makata,
Hindi ko namalayan sa aking ginagawa,
Sa bawat tula na ako ang akda,
Siya na pala ang aking bagong paksa.
Siya ang bagong inspirasyon,
Tulad ng araw sa ngayon,
Siya ang nagbibigay pag-asa,
Para ako'y gumawa ng bagong tula.
Sa madilim na gabi,
Doon ko pinagtagpi-tagpi,
Mga hindi kayang sabihin ng aking labi,
Paghanga ko sa kanya'y aking ikinukubli.
Isang makata,
Ako sa kanya'y humahanga,
Halika at tayo'y gumawa,
Simulan natin ang bagong kabanata.
Buksan ang pahina,
Muling gamitin ang tinta,
Pag-ibig ay ating ilathala,
Ating istorya ay ikatha.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoesiaPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
